Aktor, kinilig sa kapwa aktor nang magkita sila sa isang event

JERRY OLEA: Kumukuti-kutitap ang beautiful eyes ni Artista #1 pag napapalapit o napapatingin siya kay Artista #2 sa isang star-studded event noong isang gabing mailap ang mga alitaptap.

Kumekere-kerengkeng!

Kilig-kiligan si Artista #1, nagro-rosy cheeks, kapag kasama niya si Artista #2 sa photo op.

Iginuhit ba ng tadhana ang kanilang pagtatagpo?

Lulundag ang puso ni Artista #1 kapag naging special guest sa kanyang TV show si Artista #2 na oozing with sex appeal.

Kapag nahihirapan kayong hulaan kung sino ang dalawang artistang ito, maglakad-lakad kayo sa libis ng nayon!

GORGY RULA: Mahirap hulaan ang blind item na ‘yan.

Maingat kasi si Sir Jerry na ibigay ang buong detalye ng kuwentong ito dahil dalawang aktor ang involved.

Pareho silang mabait at nagi-guilty siguro si Sir Jerry na malisyahan yung kuwentong nasagap sa isang showbiz event kamakailan.

Basta, posibleng magkatrabaho ang dalawang aktor dahil posibleng magsama na sila sa iisang TV network!

NOEL FERRER: Hamuna sila! At least, consistent ang feeling-aktres na personalidad.

Consistency is key sa naging role niya sa isang breakthrough project.

Malay mo naman, di ba, Mr. Fu?

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN