Super-yaman na aktor, sakit ng ulo ng production staff ng isang drama series

Super-yaman na aktor, sakit ng ulo ng production staff ng isang drama series
by PEP Troika
Dec 12, 2018

GORGY RULA: Sakit na naman ng ulo itong si Aktor na super-yaman dahil sa mga negosyong ipinundar niya.

Palibhasa madatung, keber ba ni aktor kung kunin siya para sa isang regular show o hindi.

Wala siyang pakialam kung gusto o isinusumpa siya ng production staff. Mukhang wala rin siyang pakialam kung makakaabala siya sa production.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May bago kasi siyang drama series at tuluy-tuloy na ang taping nila.

Narinig ko kamakailan ang kuwentuhan ng ilang taong nakakaalam sa nangyari sa taping na kinabibilangang teleserye ng super-yamang aktor.

Ayon sa kuwentong nasagap ng PEP Troika, 4 p.m. ang call time ni aktor noong araw na yun, na ang promise ng EP ay isasalang agad siya pagdating ng set.

Pero hindi dumating sa takdang calltime si super-yamang aktor.

Sa halip na alas-kuwatro ng hapon, alas-diyes ng gabi siya dumating.

Mukhang galing si super-yamang aktor sa isang commitment na ewan kung meeting o ano, pero mainit daw ang ulo ni aktor.

Ewan ko rin kung drama lang ang init-initan ng ulo para hindi na siya masita sa napaka-late na pagdating.

Hindi ko lang sure kung nag-sorry siya, pero ang laking abala ang ginawa niya dahil ilang oras naghintay ang buong staff at co-actors niya.

Kaagad na isinalang si aktor, kinunan na siya kasama ang ilang co-actors na naghintay nang matagal.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ang ikinawindang nang bonggang-bongga ng executive producer ng programa, nag-demand si aktor na dapat sundin ang napagkasunduang cut-off niya na alas-dose ng hatinggabi.

Paano ‘yan, e, alas-diyes na nga siya dumating?

Siyempre, ang inaasahan nila, ma-extend ang cut-off dahil alas-diyes ng gabi siya dumating.

Ayaw ni aktor. Magliligpit daw siya talaga pagtuntong ng alas-dose ng hatinggabi.

Umiiyak si EP dahil noong araw na yun, dalawang sequences lang ang nagawa ni mayamang aktor. Fly away na siya ng 12 midnight.

Ang daming eksena tuloy na di nakunan.

Ewan kung nakarating na ito sa network executives.

Nahihirapan na ang mga production staff. Hindi nila alam kung papatayin na lang si super-yamang aktor sa kuwento.

Pero wala naman daw pakialam si super-yamang aktor kung tatanggalin siya.

NOEL FERRER: Napansin ko lang, Tito Gorgy, ilang ulit mong binanggit na mayaman itong aktor na ito.

Dahil ba mayaman kaya untouchable?

At talagang 12 midnight ang cut-off nito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang sabi sa akin ng isang network head na nag-aayos ng kontrata riyan, maliban sa senior stars (like, probably Tita Gloria Romero or, say, Superstar Nora Aunor), walang nagka-cut off ng 12 MN kundi 2 a.m. daw.

Nalaman ko na lang, marami pala ang may ganung cut-off.

Pero kailangan ba, mayaman ka o maimpluwensiya para mapagbigayan nang ganyan?

Huwag naman sana.

JERRY OLEA: Kung ako ang EP ng programa, dudulog ako kay Tata Usteng sa Parokya ng Santa Cruz sa Tanza, Cavite.

Hihilingin ko kay Tata Usteng na maliwanagan ang isip ng super-yamang aktor, at magmalasakit ito sa mga kasamahan sa trabaho.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results