Morenong aktor, ibang klase ang trip sa pakikipagtalik

JERRY OLEA: Napakagat-labi ang nagmamagandang bading nang makatagpo at makausap niya ang kontrobersiyal ng aktor noong isang gabi sa isang Christmas party.

Nanghina ang bading at nanginig ang mga tuhod dahil gumitaw sa kanyang alaala ang candy cane at jingle bells ng aktor na moreno, simpatiko, at sakdal husay sa pag-arte.

“Maitim ang kanyang quineso eklavu pero pagkataba-taba! Talap-talap sa noche buena!” bulalas ng nagmamagandang bading na medyo nangangatal-ngatal pa habang sumusubo ng saba con hielo.

Hindi natikman ni nagmamagandang bading ang chorva con amore ng kontrobersiyal na aktor, bagkus ay nasilayan lamang niya.

Kuwento ng bading, “Pinag-agawan si aktor ng dalawang seksi, sikat at magandang aktres. Iyong dyowa niyang aktres at the time ay malapit sa aking puso.

“Minsan, isinama ako ng manager ni aktres sa pagpunta sa bahay nito sa QC para may kuning something.

“Ayun na! Andoon si aktor at nagkikinimfer-chururut sila ni aktres nang dumating kami.

“Pilya ang aktres at walang keber kahit nakaistorbo kami sa kanilang sensuality workshop.

“Ewan kung may pagka-exhibitionist si aktor o umiral ang kapilyuhan niya pero mga 2 seconds ay nasulyapan namin ang kanyang chenes-chenes na umiigkas-igkas pa bago niya tinakpan, saka siya ngumiti sa amin nang pagkatamis-tamis!”

Mula noon, tuwing nakikita ni nagmamagandang bading si morenong aktor ay nag-iinit ang katawang lupa niya na para siyang lalagnatin.

NOEL FERRER: Ibang klase naman kasi itong premyado at morenong aktor na ito.

Dakila na, intense pa! Artist kasi!

Sana, mag-concentrate na siya sa paggawa ng magagandang pelikula tulad ng mga obra niya dati.

GORGY RULA: May kaweirduhan talaga si morenong aktor na mahilig maglaro lalo na pagdating sa sex.

Naloloka ang dating sexy actress na nakasama niya sa isang pelikula dahil bago nila natapos ang pelikulang pinagsamahan nilang dalawa, nagkatikiman na at nababaliw si aktres sa style ni aktor sa kama. Pero nae-enjoy naman niya.

Kaya lang, kahit sa publikong lugar, lumalabas ang pagkapilyo ni morenong aktor.

Wala kaming kamalay-malay na may ginawa pala silang kababalaghan habang pinapanood namin ang pelikula nila sa premiere night nito.

Katabi siyempre ni aktor sa upuan itong si dating sexy actress na leading lady niya.

Naloka si aktres dahil habang pinapanood nila ang pelikula, binuksan ni aktor ang zipper ng pantalon niya at kinuha niya ang kamay ni aktres at ipinasok sa pantalon niya.

Pinapahimas niya kay aktres si ‘junjun’ para magalit ito.

Ginawa naman ni aktres pero takot na takot siya at baka maaninag ng ibang nanonood doon sa loob ng sinehan.

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN