Sharon Cuneta, kinansela ang concert sa January 2019

by PEP Troika
Dec 15, 2018
PHOTO/S: Bernie Franco

NOEL FERRER: Binasag ni Sharon Cuneta ang kanyang pananahimik the past days after ng showing ng kanyang pelikula ng Three Words To Forever.

 IMAGE Bernie Franco

Ani Mega, nagsusuka siya at natuluyang magka-flu pagkatapos niyang mag-shoot ng bagong pelikula with Erik Matti sa Baguio, at mag-launch ng kanyang bagong album sa Eastwood last weekend.

Continue reading below ↓

Palilipasin lang niya ang debut ng anak na si Frankie Pangilinan this weekend at magpapahinga muna siya.

Kasabay nito ay mayroon siyang isang announcement: “It is also with a heavy heart that I have to announce that my team and I have decided  to cancel My 40 Years, Book 2 concert on January 26.

“My movie shooting schedule will still go on untouched though.

"I need to accept that I was Darna in a movie but am not in real life.

“Thanks so much, and don’t worry — we are already planning lots of things for you in 2019.

"Love you. God bless us all."

View this post on Instagram

A post shared by ActorSingerPresenter (@reallysharoncuneta) on

GORGY RULA: Totoo bang may pinagdadaanan ngayon si Shawie?

Personal daw na may kinalaman sa isang taong malapit sa kanya.

Hindi lang mahalata dahil marunong magtago ang Megastar. Pero naiihinga raw niya ito sa ilang close friends at katrabaho.

Since hindi na tuloy yung Book 2 concert niya, mas mabuting mag-focus na muna si Shawie sa sarili niyang kaligayahan, saka na ang iba.

Continue reading below ↓

JERRY OLEA: Bilang Sharonian mula nang mapanood ko siya sa pelikulang Dear Heart, idinadalangin ko na maayos ang pamilya ni Mega, partikular ang relasyon nila ng panganay niyang si KC Concepcion.

Nawa’y totoo sa mag-inang Sharon at KC ngayong Kapaskuhan, “Family is Love!”

Read Next
Read More Stories About
pep troika, Sharon Cuneta
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Bernie Franco
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results