Zsa Zsa Padilla, bumalik na sa ASAP

NOEL FERRER: Nasa ASAP Natin ‘To na ang Divine Diva na si Zsa Zsa Padilla which lays to rest iyung pagme-mention sa kanya sa mga umpukan na posible siyang tumawid sa kabilang istasyon.

IMAGE Mark Atienza

Sa aming pag-uusap ng aking kaibigang si Zsa Zshing, sinabi niyang maayos siyang kinausap ng Kapamilya executives para manatili.

Sino naman daw siya para magmatigas, e, mahal niya talaga ang ASAP.

And since she is a multi-awarded actress, hindi mawawalan ng opportunities para sa pag arte ni Zsa Zsa—sa telebisyon man o sa pelikula.

Pati sa digital projects na kilala ngayon ang ABS-CBN ay puwede siya.

Gusto ko pa ring makita si Zsa Zsa sharing the stage with her children Zia and Karylle.

At the same time, excited din ako at looking forward sa kakalabasan ng kanyang Casa Esperanza!

JERRY OLEA: Kasama si Zsa Zsa sa opening ng ASAP Natin ‘To nitong Disyembre 16, Linggo.

Ka-join din siya sa "Greatest Showdown" portion with the ASAP icons.

Holding hands pa sila ni Regine Velasquez sa last formation.

Mananatili pa ring Kapamilya ang Divine Diva!

GORGY RULA: Malinaw kung ano ang inilatag ng ABS-CBN para kay Regine sa 2019.

Meron din kaya para kay Zsa Zsa?

Sapat na ba yung pasulput-sulpot niya sa ASAP Natin ‘To na obvious namang hindi kanya ‘yan?

Sana, balikan na rin ni Zsa Zsa ang pag-arte.

Sana, isasama siya sa isang soap dahil magaling siyang umarte.

Wala na bang bakanteng seat para mag-judge sa "Tawag ng Tanghalan"?

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN