Iza Calzado at Ben Wintle, ikakasal na sa Palawan sa December 19

by PEP Troika
Dec 18, 2018
PHOTO/S: Iza Calzado Instagram

NOEL FERRER: Maaga pa lang ay nasa NAIA Terminal 4 kami nitong December 18, Martes, para sa flight papuntang Busuanga, Palawan, para sa kasal ng last celebrity bride of 2018.

Nitong December kasi, nagkaroon ng Manila reception sina Christian Bautista & Kat Ramnani, na sinundan naman ng kasal nina Aljur Abrenica & Kylie Padilla, 'tapos yung kasal nina Lotlot de Leon & Fadi El Soury.

Bukas, December 19, ang alaga ko namang si Iza Calzado at ang Booky Boss na si Ben Wintle ang ikakasal.

Continue reading below ↓
Ben Wintle & Iza Calzado
 IMAGE Iza Calzado Instagram

Nakita ko agad si DJ Mars Miranda na siguradong in charge sa party, at isa sa mga kasama sa entourage na si Karylle na nag-leave sa It’s Showtime para sa kasal ng kaibigan.

Karylle & Noel Ferrer
 IMAGE Courtesy of Noel Ferrer

Isang simple at eleganteng beach wedding ang inaasahan bukas, at isang welcome dinner ang magaganap mamaya.

Continue reading below ↓

GORGY RULA: Naalala ko pa, Sir Noel, noong nakapunta tayo sa Bournemouth, UK, kung saan doon sa Sandbanks nakatira ang pamilya ni Ben.

Ang sosyal ng Sandbanks sa Poole na doon nakikita ang mga bonggang bahay ng mga milyonaryo sa England.

Di ba, ang unang plano, doon sana sila magpapakasal?

Pero napagkasunduan nilang dito na gawin dahil gustong magbakasyon dito ng pamilya ni Ben.

Malamang, kumpleto ang mga kaibigang Sang’gre ni Iza na sina Sunshine Dizon, Karylle, at Diana Zubiri.

Isasama kaya itong wedding sa pelikulang gagawin nilang Sang’gre friends na ipalalabas sa Iflix?

Congratulations kina Ben at Iza!

Inaasahang masarap ang ihahain sa reception bilang specialty ng Booky ni Ben ang maghanap ng masasarap na restaurant.

JERRY OLEA: Noon pa man ay kinontrata na ni Iza si Juan Sarte para sa make-up niya, at si Celeste Tuviera para sa hairstyle.

Ang maghahatid sa bride to represent Iza’s dad is her brother Dash Calzado, di ba?

Continue reading below ↓

Abangan ninyo ang mga ganap sa “Becoming Mrs. Wintle”!

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story โ†’
PHOTO/S: Iza Calzado Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results