Ulilang si Iza Calzado, emosyunal sa mainit na pagtanggap ng pamilya ni Ben Wintle

by PEP Troika
Dec 20, 2018
PHOTO/S: Noel Ferrer

NOEL FERRER: Ang Sang'gre na mismo na si Diana Zubiri ang nagsabi, “This is the best and the most emotional wedding na napuntahan ko!”

Kasama namin si Diana na bumalik sa aming tinirhang El Rio Resort mula sa wedding ceremony at reception party nina Iza Calzado at Booky Boss Ben Wintle sa Club Paradise Resort, Coron, Palawan. 

Continue reading below ↓
 IMAGE Noel Ferrer

Nitong Miyerkules ng gabi, December 19, ginanap ang pag-iisang dibdib ng longtime couple. 

Perfect ang dreamy beach wedding set-up na ginawa ng event stylist na si Gideon Hermosa, na from scratch ay nag-ayos ng mala-paraisong wedding venue. 

Sa reception, we were in awe sa pag-transform ng beachfront to an elegant ballroom complete with chandelier done by Teddy Manuel.

Sina Gideon at Teddy rin ang nag-collaborate sa wedding bouquet ni Iza, na may locket taglay ang pictures ng kanyang mga yumaong magulang.

Yan ang overriding atmosphere sa kasal at talaga namang sentimental at iyakan ang mga tao sa mainit na pagtanggap ng Wintle clan sa anak-anakan nating si Iza.

Ultimo testimonials na ibinigay nina Ralph, Friday, at Peter Wintle—lahat ay may reference kung gaano kamahal si Iza ng kanyang Usher-Calzado family at ngayon pati na ang Wintles.

Sina Friday at Peter ay mga magulang ni Ben, habang si Ralph ay kapatid ng groom. 

Continue reading below ↓

Ganoon din ang mensahe ng matron of honor/nanay-nanayan ni Iza/Three Words To Forever actress na si Chesca Inigo—na ngayong kasal na si Iza ay nadagdagan pa ang mga taong nagmamahal sa kanya. 

Humabol sa kasal at reception si Ogie Alcasid kasama ang anak niyang si Leila. 

View this post on Instagram

#becomingmrswintle congrats @benmwintle best wishes @missizacalzado God bless you both!

A post shared by Ogie Alcasid (@ogiealcasid) on

Ilan pa sa celebrity guests ay sina Marc Nelson, Rovilson Fernandez, Fabio Ide, JM Rodriguez, Congresswoman Len Alonte, Bianca King, at Antoinette Taus.

Game si Antoinette na nakipagpag-picture kay Karylle—ang dalawa ay parehong ex-girlfriend ni Dingdong Dantes. 

Best same-day-edit wedding video ang ipinakita na marriage of two cultures na grabe ang touches of love and laughter!

Ngayong Huwebes ng hapon, December 20, meron pang recovery barbecue party at free pa ang lahat ng bisita na i-explore ang isla.

Ang sabi nga ng mga tao, kaysa harapin ang crazy traffic sa Manila dahil sa Kapaskuhan, iba ang saya sa dagat na may kasiyahan dahil sa sobrang pagmamahalan.

Continue reading below ↓

Indeed, Christmas came early here in Club Paradise para kina Iza at Ben.

GORGY RULA: I’m sure, masayang-masaya ang yumaong Tito Lito Calzado para sa kanyang anak.

Iyon pa naman ang isa sa mga wish niyang mahatid sa altar si Iza.

Kung naalala ninyo, Sir Noel, nagparamdam si Francis Magalona sa wedding ng anak nitong si Maxene Magalona, di ba?

Wala bang paramdam kay Iza?

Iyan din ang hindi ma-imagine ni Ina Feleo, na may wedding plans na rin sa Italian boyfriend nito.

Sabi ni Ina, baka bibigay siya sa kanyang wedding march dahil hindi na ang yumao niyang amang si Johnny Delgado ang maghahatid sa kanya.

Iyon din ang sina-suggest ng mga kaibigan niya—ang ilagay ang picture ni Direk Johnny sa bridal bouquet na bibitbitin niya.

Wedding kasi talaga ang isa sa pinaka-emotional na moment sa buhay ng isang babae.

Kaya, maaalala mo ang namayapang mahal sa buhay sa ganung memorable event.

Continue reading below ↓

Congratulations to Ben and Iza!

JERRY OLEA: Hindi lang si Ben ang “nahanap” ni Iza kundi pati pamilya.

Parang si Richard Gomez na laki sa lola.

Nang pakasalan ni Goma si Lucy Torres—na isa sa guide parents nina Iza at Ben—hindi lang asawa ang nagkaroon ang aktor kundi pati pamilya na tinanggap siya nang buong puso sa Ormoc City.

Best wishes kina Iza at Ben!

Mabuhay ang bagong kasal!

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Noel Ferrer
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results