Pag-amin ni Jessy Mendiola sa "plane harassment" ni Enrique Gil, nega sa MMFF promo niya?

by PEP Troika
Dec 22, 2018
PHOTO/S: @senorita_jessy Instagram

GORGY RULA: Excited na si Jessy Mendiola na magparada para sa 2018 Metro Manila Film Fest (MMFF) entry nila ni Jericho Rosales na The Girl In The Orange Dress.

Gaganapin ang MMFF parade sa Parañaque City bukas, December 23.

 IMAGE @senorita_jessy Instagram

Pagkatapos ay kasama na ni Jessy ang boyfriend niyang si Luis Manzano sa pag-iikot sa mga magulang nila para ipagdiwang ang Pasko.

Continue reading below ↓

Mauuna raw muna sila ni Luis sa mommy ni Jessy at sunod naman sa pamilya ni Luis, kay Batangas Sixth District Representative Vilma Santos.

Wala raw silang balak na magbakasyon kung saan dahil abala pa rin si Jessy sa MMFF 2018 movie nila ni Jericho Rosales.

Todo raw ang suporta ni Luis sa pelikula niya.

"All out support siya sa movie. Nag-arrange siya ng block screening," nakangiting pahayag ni Jessy.

"Not one but four," pabirong singit ni Echo hinggil sa pa-block screening na pinangunahan ni Luis.

NOEL FERRER: Kumusta naman ang pelikula?

Ito ang romcom na todo na ang suporta ng lahat—including Luis Manzano, Jennylyn Mercado, at Derek Ramsay na may cameo rito.

Dahil sa magandang kuwento (script pa lang nito, pasok na), ito ang pelikulang may legs at puwedeng date movie.

Ano sa tingin mo ang magiging ranking nito sa takilya, Tito Jerry?

JERRY OLEA: Dapat lang na magsipag si Jessy sa promo ng The Girl In the Orange Dress.

Continue reading below ↓

Hindi nakatulong sa promo ng movie ang mga hanash niya kontra kay Enrique Gil, na sangkot sa "plane harassment," na aminadong dinanas ni Jessy noong 2015.

Nanatiling tahimik si Enrique sa kabila ng pagkumpirma ni Jessy sa insidente sa presscon ng kanyang pelikula kamakailan. 

Negatron ang dating niyon.

Dapat, e, more and more ang block screenings. Kulang ang apat.

Sana, matabunan ang negativity vibes na bunga ng mga kuda ni Jessy.

Otherwise, hindi ako magtataka kung makasama sa Bottom Three ang pelikula nila ni Jericho.

GORGY RULA: Sabi naman ni Jessy, tanggap na niya kung meron pa ring irita sa kanya at may namba-bash pa rin.

Kung hindi man daw siya mahalin ng ibang bashers, sana mahalin daw nila ang pelikula.

Okay naman si Jessy sa pelikulang ito at ang sexy siya sa ibang eksena.

Expected nang magaling si Jericho sa pelikulang ito, pero napakaguwapo niya rito, at na-achieve niya ang role ng isang super sikat na artista.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: @senorita_jessy Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results