Bagong kumakalat na video ng mga menor de edad, nakakabahala!

JERRY OLEA: Nakaka-shookt ang na-forward sa aking 50-second video na ang setting ay tila isang kubeta. Nakakatigalgal.

Nakatayo ang isang guwaping at matangkad na lalaki, at nakaluhod sa harap niya ang isang tukling (batang bading).

Pareho silang naka-school uniform.

May hawak na cellphone ang guwaping at matangkad na lalaki, habang may "pinapagawa" ito sa tukling. May ibang tao na nagvi-video sa kanila.

English ang kanilang tsikahan. Sosyalin at yayamanin ang kanilang accent.

Kitang-kita ang mukha ng guwaping at matangkad na lalaki, pati ang tukling na ngumiti nang buong tamis nang i-close up.



NOEL FERRER : I AM AGAINST ALL FORMS OF BULLYING (personal man o pambayan).

It is just unfortunate that a lot of people have REACTED sa mga lumabas na video—and most of those reactions just fueled the hate even more.

But how many really RESPONDED, in view of making things better?

HUMILIATION will never solve things. It will never make one less of an asshole.

Iniisip ko lang, if this whole thing happened away from social media, it would be easier to forge a path towards positive change and even, forgiveness.

Sa huli’t huli, paano pa tayo makakatulong sa mga kasong ganito? Kahit ang pagkakalat ng video ay mahirap maintindihan, pati na ang mga reaksiyon ng mga tao.

Sa huli’t huli, mga minors pa ito, ha. Nakakabahala itong todo!

GORGY RULA: Nakakabahala na may ganito nang ginagawa ang mga kabataang mag-aaral natin, na nangyayari sa isa pang malaking paaralan.

Hindi na ito nalalayo sa ilang porno films na nasisilip ko.

Nakakatakot na.

Ang mga magulang na rin ang tumutok sa kanilang mga anak. Hindi na dapat iasa lang sa mga titser at nangangasiwa sa isang paaralan.

Nagsimula kasi ito sa bullying issue.

Ngayon, may kumakalat pa na ganitong video.

Dapat talaga ipaalam ng eskuwelahang ito sa publiko kung ano ang ginawa nilang aksiyon sa mga kabataang involved sa bullying.

Dapat magpakita sila ng ehemplo sa iba pang paaralan na meron silang aksyon sa isyung ito. Huwag yung sila lang ang nakakaalam.

Kahit mag-sorry ang mga taong gumawa nito, meron pa rin dapat na ipataw na parusa. At deserved nating malaman lahat!

(ED'S NOTE: At press time, naglabas na ng desisyon ang Ateneo High School. Dismissal ang hatol sa estudyanteng nambu-bully sa video.)

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN