Gloria Romero, matalo kaya sina Anne, Toni, at Kim bilang MMFF best actress?

by PEP Troika
Dec 27, 2018
PHOTO/S: Rainbow's Sunset / Aurora / Mary, Marry Me / One Great Love

JERRY OLEA: Bet ko na mag-best actress sa Metro Manila Film Festival (MMFF 2018) si Gloria Romero ng Rainbow’s Sunset.

Glorious ang pagganap niya bilang maunawaing asawa ng isang octogenarian na tuluyang nagladlad.

 IMAGE Rainbow's Sunset / Aurora / Mary, Marry Me / One Great Love

Kalaban niya sina Kim Chiu ng One Great Love, Toni Gonzaga ng Mary, Marry Me, at Anne Curtis ng Aurora.

Continue reading below ↓

Para sa best supporting actress... andaming fantastic!

Andiyan si Jaclyn Jose ng Fantastica, na tawang-tawa ako sa eksenang pinipigilan ang pag-ihi dahil kinakantahan siya ng anak na si Belat, played by Vice Ganda.

Ang galing-galing din ni Alex Gonzaga ng Mary, Marry Me, at puwedeng makasilat ang sidekick niya na si Melai Cantiveros.

Sa Rainbow’s Sunset, pagkahuhusay nina Aiko Melendez, Max Collins, at Sunshine Dizon.

And the winner is... Maine Mendoza ng Jack Em Popoy?!

NOEL FERRER: While Anne Curtis is good in Aurora, Toni Gonzaga is competent in Mary, Marry Me, and Kim Chiu is ok in One Great Love, my vote goes to Gloria Romero in Rainbow’s Sunset.

After Tanging Yaman (2000), award-worthy ang performance dito ni Tita Glo!

For best supporting actress, tama ka at nabanggit mo na ang nomination-worthy na performances, Tito Jerry.

Kung sa best supporting actress ilalagay si Maine Mendoza, deserving siyang manalo sa category na ito.

Continue reading below ↓

Pero ang personal choice ko—dahil on point at walang sinayang na screen time at grabe ang presence niya—si Max Collins as the young Gloria Romero sa Rainbow’s Sunset.

Matindi ang labanan sa mga category na ito, and it’ll all boil down to the jury's taste!

Good luck sa mga may entries!

GORGY RULA: Sobrang agree ako kung si Gloria Romero ang tatanghaling best actress.

Siya rin ang bet ko, kung ako ang papipilin. Magaling siya sa quiet scenes niya.

Ramdam na ramdam mong inuunawa niya ang kanyang asawang umibig sa kapwa bading na naging kaibigan pa niya at nakasama pa bandang huli.

Pero kung hindi gusto ng jurors si Tita Glo, okay naman kung si Anne Curtis ng Aurora na kontrolado sa pelikulang ito, at magaling din sa mga tahimik na eksena.

Puwede ring lumaban sina Kim Chiu ng One Great Love at Toni Gonzaga ng Mary, Marry Me.

Continue reading below ↓

Kung ilalagay sa Best Supporting Actress category si Alex Gonzaga ng Mary, Marry Me, siya ang winner ko!

Napakagaling niya kahit alam mong kumportable siya sa role na iyon.

Pero nai-deliver niya nang maayos ang mga eksenang ibinigay sa kanya sa pelikulang ito.

Puwede ring lumaban sa kategoryang ito sina Sunshine Dizon ng Rainbow’s Sunset at Jaclyn Jose ng Fantastica, na kahit anong role at eksenang ibigay sa kanya, kayang-kaya niyang palutangin.

Pero huwag ninyong tawaran si Maine Mendoza sa Jack Em Popoy kung sa supporting siya ilalagay.

Likas na yata sa kanya ang galing sa timing sa pagpapatawa.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Rainbow's Sunset / Aurora / Mary, Marry Me / One Great Love
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results