Rainbow's Sunset, humakot ng 11 awards sa MMFF 2018 Gabi Ng Parangal

by PEP Troika
Dec 27, 2018
PHOTO/S: Allan Sancon

NOEL FERRER: Big winner ang Rainbow’s Sunset sa 44th Metro Manila Film Festival (MMFF) Gabi Ng Parangal, na ginanap sa The Theater at Solaire, Paranaque City, Huwebes, December 27.

Nanalo ng Best Actress si Gloria Romero, Best Supporting Actress si Aiko Melendez, at Best Supporting Actor si Tony Mabesa mula sa powerhouse cast ng pelikulang idinirehe ni Joel Lamangan.

Continue reading below ↓
 IMAGE Allan Sancon

May special jury award sina Eddie Garcia at Max Collins.

Nanalo rin ang Rainbow’s Sunset ng Best Production Design, Best Original Theme Song, at Best Screenplay, not to mention the much-coveted Best Picture, Best Director, pati na ang Gatpuno Antonio Villegas Cultural Award.

Sana, ito na ang hudyat ng pagbabago ng trend ng audience viewing, at simula ngayong Disyembre 28, Biyernes, ay mas panoorin na ng sambayanan ang hinirang na BEST in 11 categories ng MMFF 2018.

Continue reading below ↓
 IMAGE Jerry Olea

GORGY RULA: Iisa ang hiling ng producer na si Harlene Bautista at Direk Joel mula sa winning team ng Rainbow's Sunset—sana huwag naman daw silang tanggalan ng sinehan.

Mula sa 50+ cinemas noong opening day (December 25), naging 31 cinemas na lang ito noong second day (December 26), at 19 cinemas sa third day (December 27).

Sabi nga ni Direk Joel, "Huwag naman ang bulsa lang ng mga theater owners ang patabain. Patabain din ang kaluluwa ng ating bayan."

Continue reading below ↓
 IMAGE Jerry Olea

Yan din ang hiling sa ipinadalang mensahe ni Mother Lily Monteverde ng Regal Entertainment Inc. at producer ng One Great Love.

Sana nga, mapakinggan ito ng Executive Committee ng MMFF at mapagbigyan ang hiling ng producers.

Isa ito sa matagal nang isyu sa MMFF na ewan kung may solusyon pa iyan.

JERRY OLEA: Magkaiba ng panlasa ang mga hurado ng MMFF 2018 at ang members ng CEB (Cinema Evaluation Board).

Pinarangalan ng 44th MMFF ang Rainbow’s Sunset (Best Picture), Aurora (Second Best Picture), at One Great Love (Third Best Picture).

Graded A ng CEB ang Rainbow’s Sunset at Jack Em Popoy: The Puliscredibles, samantalang B ang grado ng CEB sa Aurora at One Great Love.

Labing-isa lahat ang awards ng Rainbow’s Sunset.

Continue reading below ↓
 IMAGE Jerry Olea

Nakalimang award ang Aurora—Second Best Picture, Best Cinematography, Best Visual Effects, Best Sound Design at Best Child Performer (Phoebe Villamor).

Tatlo ang awards ng One Great Love—Third Best Picture, Best Actor (Dennis Trillo), at Best Musical Score.

Tatlo rin ang awards ng Jack Em Popoy—FPJ Memorial Award, Best Editing, at Best Float.

Bokya sa awards ang Otlum; The Girl in the Orange Dress; Fantastica; at Mary, Marry Me.

Ngangey!

Ang Scratch It Lucky Stars of the Night ay sina Jericho Rosales at Anne Curtis.

Narito ang Complete List of MMFF 2018 Winners:

Best Float: Jack Em Popoy
Best Child Performer: Phoebe Villamor (Aurora)
Best Student Short Film: Kasilyas, Bulacan State University
Best Visual Effects: Aurora
Best Production Design: Rainbow’s Sunset
Best Sound Design: Aurora
Best Musical Score: One Great Love
Best Original Theme Song: Sa ‘Yo Na (Rainbow’s Sunset)
Best Editing: Jack Em Popoy
Best Cinematography: Aurora
Best Screenplay: Eric Ramos (Rainbow’s Sunset)
FPJ Memorial Award: Jack Em Popoy
Scratch It Lucky Stars of the Night: Jericho Rosales & Anne Curtis
Gatpuno Antonio J. Villegas Cultural Award: Rainbow’s Sunset
Best Supporting Actor: Tony Mabesa (Rainbow’s Sunset)
Best Supporting Actress: Aiko Melendez (Rainbow’s Sunset)
Best Director: Joel Lamangan (Rainbow Sunset)
Special Jury Awards: Max Collins (Rainbow’s Sunset) at Eddie Garcia (Rainbow’s Sunset)
3rd Best Picture: One Great Love
2nd Best Picture: Aurora
Best Picture: Rainbow’s Sunset
Best Actor: Dennis Trillo (One Great Love)
Best Actress: Gloria Romero (Rainbow’s Sunset)

Continue reading below ↓

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Allan Sancon
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results