Mga sinehan, tumugon sa panawagan para sa Rainbow's Sunset; Fantastica, mahina?

by PEP Troika
Dec 29, 2018

JERRY OLEA: Nadagdagan na ng mga sinehan ang Rainbow’s Sunset.

Nag-open ito sa 50+ theaters noong Pasko, Disyembre 25, Martes.

Sa 2nd day (Disyembre 26, Miyerkules), 31 na lamang ang mga sinehan nito.

Sa 3rd day (Disyembre 27, Huwebes), 19 na lamang.

Sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2018 Gabi ng Parangal noong Huwebes ay humakot ito ng 11 awards.

Sa kanilang acceptance speech ay nanawagan sina Harlene Bautista (producer), Joel Lamangan (best director) at Aiko Melendez (best supporting actress) sa theater owners.

Post ni Ferdy Lapuz sa Facebook nitong Disyembre 29, Sabado nang umaga, 48 na ang mga sinehan nationwide ng Rainbow’s Sunset.

Kabilang sa pinagpapalabasan nito ang mga lalawigan ng Batangas, Camarines Sur, Cavite, Cebu, Davao, Iloilo, Leyte, Negros Occidental, South Cotabato, at Pampanga (Vista Mall).

Ite-telecast ang MMFF 2018 Gabi ng Parangal bukas (Disyembre 30, Linggo) nang gabi sa Sunday’s Best, pagkatapos ng Gandang Gabi, Vice sa ABS-CBN.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER: Ibig sabihin, tumugon na ang theater owners sa panawagan na bigyan pa ng sinehan ang Rainbow’s Sunset.

Ang hamon ngayon sa mga tao ay panoorin na ito.

Post sa Facebook ng MMFF 2018 best screenplay writer na si Eric Ramos, “Your congratulatory messages are much appreciated, but we need ticket sales.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Now, Filipino audiences... the ball is now on your court. Put money where your mouth is!

Huwag lang sa social media mag-ingay! At magbayad sa panonood ng magandang pelikula bilang suporta, huwag umasa sa libreng festival pass!

GORGY RULA: Tuwang-tuwa ang mga taga-Heaven's Best dahil totoo raw na talagang nai-improve ang performance sa takilya kapag humakot ng awards.

Baka bukas daw madagdagan pa sila ng sinehan. Kaya nakikita raw nilang mababawi nila ang ipinuhunan sa pelikulang ito.

Ang nakakaawa lang dahil bumaba na e ang ibang pelikulang walang nakuhang awards.

Saka ang isa pang kapansin-pansin, tila hindi kasinlakas ang MMFF entries kumpara noong nakaraang taon, di ba?

Kahit ang Fantastica ni Vice Ganda ay hindi kasinlakas ng Gandarrapido: The Revenger Squad niya last year.

Mabuti na lang at mataas-taas ang entry ni Coco Martin na Jack En Popoy kumpara sa Ang Panday.

Ma-hit kaya ang 1B target na kita ng MMFF 2018?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results