Mas magsa-shine kaya sa 2019 sina Barbie, Yam, Kyline, at Tony?

by PEP Troika
Jan 2, 2019

JERRY OLEA: Inusisa ko ang paborito kong psychic/spirit questor na si Atty. Nick Nañgit kung ano ang insights niya sa apat na artistang tumatak noong nakaraang taon.

Lalo pa bang magniningning ang dalagang bida ng Araw Gabi, ang kinasusuklamang kabit sa Halik, ang ipinagbunyi ng sunflowers sa Kambal Karibal, at ang bruskong mangingibig sa Glorious?

Tugon ni Atty. Nick sa Facebook Messenger nitong Enero 2, Miyerkules:

“BARBIE IMPERIAL... excellent ang year 2019 para sa kanya, although ang pasok ng taon, medyo hindi siya sure sa plans niya.

Continue reading below ↓
 IMAGE Noel Orsal

“Sa July, medyo mag-lie low muna, may selosan na mangyayari.

“YAM CONCEPCION... better ang 2019 compared sa 2018, pero maraming decisions siyang haharapin lalo na sa personal life.

 IMAGE Noel Orsal

“KYLINE ALCANTARA... puro work ang haharapin niya sa 2019, may challenges and travel involved. Ingatan ang health.

Continue reading below ↓
 IMAGE Jocelyn Dimaculangan

“TONY LABRUSCA... unlike 2018, medyo mag-slide nang kaunti pababa ang kanyang career.

 IMAGE Arniel Serato

“Magkakaroon ng struggles lalo na sa personal life. Huwag sanang uminit ang ulo at huwag ding magmadali.”

NOEL FERRER: May their stars shine brighter in 2019. Puro sila girls at si Tony lang ang boy. Wala na bang ibang boy na nag-break out?

Continue reading below ↓

Paano naman si Golden Cañedo na nanalo sa The Clash ng GMA-7, at si Darren Espanto ng ABS-CBN na nagpelikula na sa The Hows of Us?

Continue reading below ↓
 IMAGE Noel Orsal
 IMAGE @darrenespanto on Instagram

Qualified ba sila sa listahan?

GORGY RULA: Malalaman natin kung maganda ang 2019 kay Kyline Alcantara pag maipalabas ang drama series niyang Inagaw na Bituin kasama si Therese Malvar.

Magiging excellent siguro kay Barbie ang taong ito kung sa work na muna siya mag-focus.

Tingin ko kasi, nadidiskaril kapag hinahaluan ng pag-ibig. Tutal, itinanggi niya sa kanyang Twitter account na may relasyon sila ni JM de Guzman. Kaya mas mabuting sa career na muna siya, di ba?

Malakas ang Halik, pero hindi pa natin sure kung may lakas na rin ba si Yam Concepcion kapag hindi siya napapanood sa naturang teleserye.

Malalaman natin yan kung kukunin siyang leading lady sa isang pelikula.

Ang isa pa kasing kasama niyang si Yen Santos ay hindi nag-hit ang pelikula nila noon ni Piolo Pascual. Pero ewan ko, kaya na ba niyang palakasin dahil sa Halik?

Hindi nakatulong ang teleseryeng ito sa MMFF 2018 movie ni Jericho Rosales, kaya hindi pa ako masyadong kumbinsido riyan.

Continue reading below ↓

Talented si Tony Labrusca at marami pang puwedeng gawin sa kanya.

Isa sana sa inaasahan kay Tony ay ang mag-concert.

Kaya niyang mag-concert dahil malakas na siya sa fans.

Bagay siguro sa kanya, medyo sexy ang concept ng magiging concert niya.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results