Kiko Matos, inaming no-holds-barred ang paghalik sa movie co-star na si Martin del Rosario

by PEP Troika
Jan 4, 2019
PHOTO/S: Screen cap from Born Beautiful Official Red Band Trailer

JERRY OLEA: Inusisa ko si Kiko Matos kung nasarapan ba siya sa kissing scenes nila ni Martin del Rosario sa pelikulang Born Beautiful.

"Kissing another man is one of the most challenging acts I have ever done. It is not easy,” pag-amin ni Kiko sa palitan namin ng mensahe sa Facebook Messenger nitong Enero 4, Biyernes.

Continue reading below ↓
 IMAGE Screen cap from Born Beautiful Official Red Band Trailer

Patuloy ng aktor, "I have to trick my mind into thinking that the person that I am about to kiss is a woman I love and therefore I just do it.

"I do it with no reservations, without holding back and I do it as if the character I am playing is alive and real."

Maiko-consider ba niya ang sarili niya na good kisser? Masarap ba siyang humalik?

Sagot ni Kiko, "Beauty is in the eye of the beholder, whereas kissing is in the lips of the beholder."

"As an actor, I deliver what is required of me. When I am required to give a passionate kiss, I deliver. And if I'm required to give a lousy kiss, I deliver."

Mapapanood ang uncensored version ng Born Beautiful sa Enero 18, Biyernes, 7:00 p.m., sa U.P. Cine Adarna, U.P. Diliman, Quezon City.

Idinirek ito ni Perci Intalan at tampok din dito sina Akihiro Blanco, at Lou Veloso.

Continue reading below ↓

Kaabang-abang din ang special participation dito ni Paolo Ballesteros, na pinagbidahan ang pelikulang Die Beautiful noong 2016 Metro Manila Film Festival (MMFF).

Ang Born Beautiful ay spin-off ng Die Beautiful.

NOEL FERRER: Parang aral kay Mell Navarro si Kiko Matos. Professional niyang hahalikan ang sinuman, glorious man o lousy, sa ngalan ng trabaho at sining.

Kung si Kiko ang brusko na hahalik kay Martin del Rosario, si Akihiro Blanco naman ang magbibigay sa lead character ng tender at romantic kiss.

Kaabang-abang sila bukas, Enero 5, Sabado, as they join forces for the kick-off promo of their movie Born Beautiful sa teleradyo program kong Level Up Showbiz Saturdate, sa Radyo Inquirer, bandang 7:30-10:00 p.m.

Grabe sa daming Filipino films na magbubukas this January! Kaabang-abang at kakaiba ang mga kombinasyon.

Nakakakaba rin kaya maaga nilang sinisimulan ang pagpo-promote at kailangang sipagan nila ito!

Nakakatakot ang sinabi sa atin ni Tito Jerry na marami rito ay nakaambang mag-flop. Huwag naman sana mangyari iyon sa Born Beautiful.

Continue reading below ↓

GORGY RULA: Effective ang promo noon ni Paolo Ballesteros ng Die Beautiful sa MMFF 2016 dahil nakaayos ito bilang magandang girl.

Si Martin del Rosario kaya, willing mag-promote na naka-girl ang postura?

Posibleng bumenta yun, lalo na't sasabayan pa siya ng dalawang leading man niyang sina Kiko Matos at Akihiro Blanco.

Medyo asiwa lang ako kay Kiko dahil ang tagal din ng promo ng away nila noon ni Baron Geisler, tapos ngayon ay nakikipag-agawan na siya sa isang magandang bading.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Screen cap from Born Beautiful Official Red Band Trailer
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results