NOEL FERRER: Nakakatuwa at isang tawag lang ay hindi kami nagdalawang salita sa mga naimbitahang OPM artists upang magbigay ng intimate tribute sa bagong National Artist for Music na si Maestro Ryan Cayabyab.
Dubbed as Ryan Ryan Musikwentuhan, gaganapin ito sa Enero 18, Biyernes, 8:00 p.m., sa Globe Auditorium, Maybank Performing Arts Theater, BGC Arts Center, Taguig City.

Agad nag-confirm sina Martin Nievera, Ariel Rivera, Pilita Corrales, Celeste Legaspi, Mitch Valdes, Cocoy Laurel, Ryan Cayabyab Singers, pati na ang Ben & Ben.
Musical director will be Rony Fortich and it’ll be directed by Audie Gemora.
Tickets are now available online at Ticketworld or puwedeng tumawag sa 8919999.
Proceeds from this project will be made to finance one of Mr. C’s pioneering projects, ang Pinoy Playlist.
Matatandaang madaliang iprinoklama ng Malacañangang ang bagong batch ng National Artists, at ni wala silang tribute sa malikhaing nagawa ng kanilang mga pinarangalan.
Ito bale ang unang tribute kay Mr. C mula sa industriyang mahal na mahal siya.

GORGY RULA: Bukod sa mga nabanggit na artists, may participation din kaya ang iba pang singers na nanggaling kay Mr. C?
Bilang tribute ito kay Maestro Cayabyab, sana ay maging bahagi rin ang magagaling na artists na hinubog niya.
Mabubuo kaya uli ang singing group na Smokey Mountain na pinanggalingan nina Geneva Cruz, Jeffrey Hidalgo, at iba pa?
Kakanta kaya uli si Tony Lambino na ibang career na ang tinatahak?
Nakikita ko pa siya sa TV at naririnig ko pa rin sa radio, pero hindi na kumakanta. Nagpapa-interview na siya bilang Assistant Secretary ng Department of Finance (DOF), sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.
JERRY OLEA: Tampalasan ang kukuwestiyon sa iniambag ni Maestro Ryan sa local music industry.
Tunay siyang henyo!
Kasabay ng pagpupugay kay Mr. C ang screening ng uncensored version ng pelikulang Born Beautiful sa UP Cine Adarna, UP Diliman, Quezon City.
Okey lang iyon dahil magkaiba sila ng target audience.