Paolo Contis, sinabi kung sino ang kamukha ng baby nila ni LJ Reyes

IMAGE Paolo Contis Instagram


GORGY RULA: Eksaktong 37 weeks daw si LJ Reyes nang iniluwal niya ang first baby nila ni Paolo Contis noong Biyernes, Enero 4, ng 4:56 PM.

Pinangalanan nilang Summer Ayanna Contis ang baby girl, na may timbang na 6.15 lbs., at healthy.

LJ Reyes and Paolo Contis
 IMAGE Paolo Contis Instagram

Ang ini-expect nila ay third week of January ang due ni LJ, pero napaaga ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tama ang bilang kaya safe ang panganganak ng Kapuso actress.

Normal delivery si LJ, at okay na okay ang kalagayan niya.

Tuwang-tuwa ang magkasintahan sa kanilang baby, at sabi ni Paolo, hanggang paa lang muna ng baby ang ipapakita nila sa social media.

“Gusto muna naming solohin ang mukha ni baby,” text sa akin ni Paolo.

Pero ang cute daw ng baby nila na mas kamukha ni Aki.

“Kamukha ni Aki, hahaha, chinitang tisay,” text pa ni Paolo.

NOEL FERRER: Maganda ang dating ni Summer Ayanna kina Paolo at LJ dahil pareho silang mature na para magtaguyod ng pamilya at pagmamahalang magtatagal.

Kaakibat nito ay ang panibagong respeto na ibibigay sa kanila bilang mga mahuhusay na aktor.

Sana, magkaroon ng pagkakataon na maipakita pa nila ang husay nila bilang mga artista.

JERRY OLEA: Congrats kina LJ at Paolo sa bagong biyaya na lalong magpapatibay sa kanilang pagmamahalan.

Cheers!


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN