Miss Universe 2018 Catriona Gray, payag kayang gumawa ng musical?

by PEP Troika
Jan 8, 2019
PHOTO/S: Catriona Gray Instagram

GORGY RULA: Ngayong nagsisimula pa lang gampanan ni Catriona Gray ang kanyang responsibilidad bilang Miss Universe 2018, marami nang producer ang naghihintay para kunin siya sa ilang movie projects.

Hindi pa natin alam kung interesado ba si Catriona na pasukin ang showbiz.

Pero kumakanta kasi siya, kaya may isang producer na inaayos ngayon ang isang musical play na maaaring idirek ni Joel Lamangan.

Tinawagan ng PEP Troika si Direk Joel kahapon, January 7, nagulat siya kung paano namin nalaman ang binubuong proyektong ito.

“Pinaplano pa lang. Kasi siyempre, Miss Universe pa siya. Hindi pa puwede,” pakli ni Direk Joel.

Balak kasi ni Direk Joel na bumalik sa entablado at makagawa ng isa pang material kagaya ng Binondo: The Musical.

Sana, mabuo ito at puwede si Catriona.

Ang napipisil nilang i-partner kay Catriona ay si Jericho Rosales.

NOEL FERRER: Maganda sana kung matuloy ‘yan, alo pa’t may ibang side si Catriona na ipapakita—ang kanyang pagiging singer.

Continue reading below ↓

Pero paano yun, like Pia Wurtzbach noong nanalo siya, one year siyang hindi nakagawa ng local projects?

Sana, makapaghintay pa si Direk Joel at ang grupo niya.

JERRY OLEA: Totoo bang break na sina Catriona at Clint Bondad noong Setyembre pa?

Kaya OK kung pormahan man ni Sam Milby ang 4th Miss Universe ng lupang hinirang.

If ever, pwede kayang makatrabaho ni Catriona sa pelikula, TV o entablado si Clint o si Sam?

Siyanga pala, magkakaroon ng rerun ang Binondo: The Musical.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Catriona Gray Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results