Kiko Estrada, tuloy na ba sa ABS-CBN o mananatili sa GMA-7?

IMAGE Marie Flores


JERRY OLEA: Sunud-sunod ang mga pelikula ni Kiko Estrada. Tuloy pa rin ba siya sa TV show niya sa ABS-CBN?

“I can’t comment about that right now,” mabilis na pakli ni Kiko nang mainterbyu namin sa mediacon ng Singkuwento 2019 indie filmfest nitong Enero 8, Martes, sa The Legend Villas, Mandaluyong City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
 IMAGE Marie Flores

May problema pa siya sa GMA-7?

“Oh, no, actually, it’s just that... I think they’re finalizing everything. So I just don’t wanna comment about it.”

May one shooting day pa si Kiko para sa My Stepmother’s Lover, kung saan co-stars niya sina Sunshine Cruz at Martin del Rosario, sa direksiyon ni Adolf Alix Jr.

Sa teaser, akmang hahalikan siya ni Martin. Natuloy ba yun?

Napangiti si Kiko, “I think you just have to watch it. Kasi, magaling si Adolf mag-construct ng film.

“It’s not a gay film. It’s a film of its own.

"I don’t wanna say anything about it because me and Direk Adolf would want to promote it as is.

“‘Yun ang istorya. Kung ano man ang gusto ninyo, you can have your own interpretation on what you saw sa trailer.

“Like I said, he’s my favorite director. And I think he’s the next Ishmael Bernal. I think he’s in line with that.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May butt exposure si Kiko sa movie, at siyempre, may love scene sila ni Sunshine.

“You know naman, pag sina Direk Adolf, it’s all about... ahh, kumbaga, art and everything,” matamang pakli ni Kiko.

“Magaling naman si Ate Sunshine and she’s very helpful. She’s very generous as an actress. Everything is done.”

Bida si Kiko sa Singkuwento 2019 official entry na Promdi, na tumalakay sa bullying.

Co-stars niya rito sina Shaira Diaz at Chris Leonardo, sa direksiyon ni Charlotte Dianco.

NOEL FERRER: Dati nang Kapamilya si Kiko Estrada pero pinakawalan ito.

Ayokong isipin na leverage lang ito para mapataas ang value niya sa GMA-7, pero lumang gawi na ito at hindi na kinakagat ng networks ang ganitong drama ng threat na pagpapapa-pirate.

Nakakabawas na iyan ng value ngayon.

If I were Kiko, stay put na as Kapuso. It’s like being a big fish in a smaller pond.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

The Kapamilya network can just offer him one project at a time.

GORGY RULA: Pagkatapos ng presscon ni Kiko sa Singkuwento filmfest kahapon, tutuloy siya sa shooting ng biopic ni Gen. Ronald ‘Bato’ dela Rosa.

Siya ang gaganap na young Bato.

Aayusin pa raw ang buhok ni Kiko para masunod ang ayos ng buhok ni Robin Padilla (as adult Bato)

Mabuti raw at marami siyang ginagawang pelikula, habang inaayos ang dilemma niya sa TV.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN