Ricci Rivero, nag-sorry na sa kampo ni Liza Soberano

IMAGE @ricciiirivero / @lizasoberano on Instagram


JERRY OLEA: Napangiti lang si Liza Soberano sa sinabi ni Ricci Rivero na gagawa lang ito ng movie with her kung mag-fit sa schedule nito.

 IMAGE @ricciiirivero / @lizasoberano on Instagram

Ipinost ito ni Ogie Diaz (manager ni Liza) sa Facebook nitong Enero 22, Sabado.

Sabi pa ni Ogie, “Wa echos, hindi ako nainis kay Ricci no'n o nayabangan sa kanya. Kaya ang sabi ko lang, iinom muna ako ng tatlong litro ng tubig.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ipinost din ni Ogie ang text ni Ricci sa kanya, “Tito Ogie, super sorry po for what happened. I didn't mean to say that in a bad way, but I was just trying to say that I don't wanna go between Enrique and Liza because I respect the love teams in the industry and I even said that Liza will always be Liza—so that simply means that she is already established as Liza.

“And who am I to say no? But I know it's probably the way I said that statement so I'm sorry for that po.

“I hope you understand and not only you, but especially Liza... I look up to Liza rin naman po and I think you know that. I asked for a picture pa nga po, di ba?"

NOEL FERRER: Oh well, kung minsan talaga, wala sa sinasabi ang pagkukulang kundi sa tono—o sa paraan ng pagkasabi nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ok lang, Ricci. Malayo naman yan sa bituka.

At least, natututo ka at di mo na yan gagawin ulit.

Oo naman, si Liza ay diyosa, lalo na sa aming humahanga, hindi lang sa kanyang kagandahan kundi sa kanyang husay at kabutihan din.

Kaya nga excited na ako sa Alone/Together at siyempre pa, sa Darna!

GORGY RULA: Hindi kasi showbiz sumagot si Ricci, kaya naging totoo lang siya siguro.

Pero ang kabuuang paliwanag sa akin ng mga taga-Virtual Playground at Reality Films na nagha-handle ng career ni Ricci, noon pa man ay basketball ang first priority nito.

Kaya napagkasunduan na nilang hanggang buwan ng February lang sa showbiz si Ricci dahil pagkatapos nito ay naka-focus na siya sa training.

Maaring babalik siya sa pag-aartista pagkatapos ng UAAP.

Kaya iyun ang ibig sabihin niya ng "availability o open ang schedule."

Kaya pagkatapos ng Otlum, kaagad na isinabak si Ricci sa isa pang movie project na ginagawa na niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Usapan nila na hanggang early February lang siya makapag-shooting dahil babalik na siya sa training.

Happy Times ang tentative title ng pelikulang ginagawa ni Ricci, pero hindi pa nakukunan ang mga eksenang kasama ang leading lady dahil wala pa silang nahanap kung sino ang magiging female lead.

Wala pa silang napiling playdate dahil kailangan tapusin muna ni Ricci ang laro niya, bago siya magpaka-busy sa promo.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN