Maricel Soriano, hindi binigyan ng importansiya sa promo ng The General's Daughter?

IMAGE Mark Atienza


JERRY OLEA: Mega-happy ang Sharonians sa napakainit na pagtanggap ng mga tao kay Sharon Cuneta nang mag-muse ito sa season opening ng PBA nitong Enero 13, Linggo, sa Philippine Arena.

Marami ring fans ni Maricel Soriano ang natuwa nang mapanood ito sa ASAP Natin ‘To nitong Linggo sa ABS-CBN, kaugnay sa promo ng teleserye ni Angel Locsin na The General’s Daughter.

Pero may solid Maricelians na nag-alburoto sa trato kay Marya sa Sunday noontime show ng Kapamilya network.
Nagmistulang starlet lang daw si Maricel.

“Movie & TV Queen ang Diamond Star!” panggagaliiti ng isang masugid na tagasubaybay ng aktres.

“Hindi siya chinika nang bonggang-bongga. Parang dinaanan lang ng camera minsan as if she’s just one of the supporting stars.

“Buti pa ang GMA-7, grabe ang respeto kay Nora Aunor kahit hindi siya ang bida sa Onanay.

“Ang mga movie queen na sina Susan Roces at Gloria Romero, laging pinapahalagahan. Hindi iniitsapuwera.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sa 2018 Christmas station ID pa lang, hindi pinahalagahan ng ABS-CBN ang pagiging reyna ni Maricel sa industriya.”

Hopefully, babawi ang Dos kay Maricel sa 2019 summer station ID.

 IMAGE Mark Atienza

GORGY RULA: Siyempre, si Angel Locsin ang bida ng pinu-promote na The General's Daughter kaya sa kanya naka-focus ang promo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Deserved ni Maricel na mabigyan siya ng tamang trato. Pero hindi natin mai-impose ‘yan sa staff ng ASAP at kung sino man ang in-charge sa promo na yun.

Sana, ang manager o handler na ni Maricel ang nagklaro sa taga-ASAP kung ano ang treatment ng promo. Kung di mataypan, at tingin dehado si Maricel, hindi na lang papuntahin.

Iba na ang panahon ngayon, e.

NOEL FERRER: Love ko rin naman ang Diamond Star. She deserves better treatment.

Pero iba na nga ang panahon at tao ngayon.

I wonder how she feels about all these.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN