Super blood wolf moon, ano kaya ang magiging epekto sa Pacquiao-Broner boxing match?


JERRY OLEA: Makikita ba sa Pilipinas ang SUPER BLOOD WOLF MOON sa Linggo (Enero 20) ng gabi hanggang Lunes (Enero 21) ng madaling-araw?

Ano ang ibinabadya nito kay Senador Manny Pacquiao na makakasagupa si Adrien Broner sa Sabado (Enero 19) ng gabi sa Las Vegas, Nevada?

Narito ang insights ng kaibigang psychic/spirit questor na si Atty. Nick Nañgit kaugnay sa Super Blood Wolf Moon:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang trifecta na ito ay nangyayari kapag napakalapit ng Buwan sa ating planeta, babalutin ng anino natin ito na mag-aanyong kulay dugo, at magsisimulang umalulong ang mga lobo sa Kanluran na naghuhudyat ng unti-unting pagtatapos ng taglamig.

“Sa larangan ng Astrolohiyang Kanluran, ang Super Blood Wolf Moon ay tatapat sa konstelasyong Leo at Aquarius ngayong Enero 20-21. Maghahalo ang pagiging emosyonal ng mga tao.

“Kumbaga, magkakaroon ng pagmumuni-muni at pagsusuri sa sariling kakayanan at sa mga karelasyon. Panloob na ugali ang mapapansin. Maglalabasan din ang mga tunay na dahilan ng mga problema na siyang lulutas dito.

“May kahinaan mang mararamdaman ang lahat ng zodiac signs dahil sa Total Lunar Eclipse, mapapalakas ang mga ito sa init ng Araw.

“Maganda ang panahong ito, para bumangon muli. May bagong sigla na magpapalakas sa kalooban ninuman, pagkatapos malutas ang mga problema.

“Mabuti't hindi makikita sa Pilipinas ang Super Blood Wolf Moon. Pwede kang sumailalim sa mga alapaap at bituin, para umani ng mga biyayang dulot ng liwanag galing sa kalawakan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Puwede ring maligo muna at maghuling banlaw ng tubig na may salt (rock, Epsom, o Himalayan), para malinis ang aura.”

Dagdag ni Atty. Nick Nañgit, higit na maapektuhan ang mga artista at entertainers na may zodiac signs o nasa tahanan ng natal charts na Aries, Cancer, Libra, at Capricorn.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“May depression o kalungkutang babalot sa mundo ng Showbiz, lalo na't may kakulangan ng atensyon, kaperahan, at kalinga.

“Sana ay humanap sila ng makakausap at huwag mag-isa. Mawawalan ng tiwala sa sarili at matatakot sa pagbabagong darating sa kanilang mga karir.

“Nandiyan ang hiwalayan at pamamaalam, hindi lang sa karir kundi maging sa istasyon kung saan sila hinulma.

“Mabuti na lang, magkakaroon na ng Direct Motion ang lahat ng planeta bago pumasok ang Year of the Brown Earth Pig na nangangahulugan ng pagkilos, pagsisikap, at pag-unlad.”

“Para kay Senator Pacquiao, nasa kanya pa ang kasaganaan ng Year of the Brown Earth Dog na maamo sa isang Horse, kahit medyo mahina pa ang kapit ng planetang Jupiter sa isang Saggitarius, dahil papasok pa lang ang conjunction nito sa planetang Venus pagsapit ng Enero 22.

“Dala nito ang tagumpay at salapi kung sakali.”

NOEL FERRER: Kung ano man ang magdadala ng swerte, sana ay lumapit na sa atin! Sana, positibo ang effect niyan kay Pacman, maging sa pelikulang Pilipino.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakakalungkot ang resulta sa box office ng mga pelikulang palabas kahapon (the McLisse film na Sakaling Maging Tayo & Allen Dizon’s Alpha: The Right To Kill)—kahit itanong mo pa sa buwan.

Bring prosperity and success now, please!!!


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN