Kandidata sa Miss Intercontinental, lumalaki ang tiyan

by PEP Troika
Jan 20, 2019

JERRY OLEA: Best in National Costume si Miss Peru Guiliana Alexandra Valenzuela sa pangatlong pre-pageant show ng 47th Miss Intercontinental nitong Enero 19, Sabado nang gabi sa Crystal Corridor ng Okada Manila.

 IMAGE Jerry Olea

Sa mahigit 80 kandidata na rumampa ng naka-NatCos, isa si Miss Peru sa limang kandidata na napa-wow ang katabi kong banyaga na nagvi-video sa venue.

Continue reading below ↓
 IMAGE Jerry Olea

Maningning ang kinatawan ng Pilipinas na si Karen Gallman sa Moriones-inspired costume niya, pero kulang iyon sa wow factor.

Makabuluhan ang costume ni Miss India na may painting ng Statue of Unity (kasalukuyang pinakamataas ng bantayog sa mundo).

Ang gabi ng koronasyon ng timpalak ay sa Enero 26, Sabado, sa MoA Arena, Pasay City.

GORGY RULA: Doon na rin sa National Costume Competition namin nakausap ang Executive Director ng Miss Intercontinental 2018 na si Bill Calubaquib, nilinaw niyang walang kandidatang matatanggal dahil sa nagdadalantao.

May isang kandidatang napagdudahang buntis dahil sa lumalaki ang tiyan nito.

Doon nila nalamang may sakit ito sa liver kaya kapansin-pansin ang paglaki ng tiyan.

Nang sumali ito sa kanyang bansa at napiling lalaban sa Miss Intercontinental 2018, nalaman nilang may sakit na ito sa liver, pero hindi pa gaanong lumalaki ang tiyan.

Ngayon lang daw nahalata, kaya nag-decide na rin ang mga organizers na huwag nang pasalihin sa Swimsuit Competition.

Continue reading below ↓

Sinasabi raw ng kandidatang ito na sa kabila ng karamdaman niya ngayon, gusto niyang tapusin ang patimpalak na ito at lalaban pa rin siya.

Sabi naman ng doktor niya, puwede pa siyang sumali, kaya itutuloy pa rin niya.

Hindi naman nagpahuli ang kandidatang ito lalo na sa National Competition na maganda at na-carry niya nang maayos ang suot niyang costume.

NOEL FERRER: What if nag-a la-Santo Niño na lang si Karen Gallman lalo pa’t Kapistahan nito ngayon?

Oh, well, good luck pa rin, Karen, hindi naman siguro siya ang tumataba at napagkakamalang buntis, di ba?

Ang hirap lang dahil sinasabing enjoy the country at kasama riyan ang mga fiesta at pagkain, pero ingat na ingat kang hindi maapektuhan ang figure mo at baka pagkamalan ka pang buntis.

Tunay ngang ang mga beaucon, parang laban rin ni Pacquiao... may halo ring pagka-teleserye!

Happy Sunday, everyone!

Read Next
Read More Stories About
Karen Gallman
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results