Starlet actor, bitter pa rin sa breakup nila ng aktres


NOEL FERRER: Hindi ko lubusang maintindihan kung bakit bitter-bitter-an ang isang hindi na kabataang starlet actor at medyo sensitive siya sa mga natutuwa at nagpo-promote sa kanyang ex-girlfriend.

ILLUSTRATION Jeremiah Idanan

Magkasama sila sa isang project ngayon at parang may unwritten code kahit sa mga sphere of influence niyang huwag i-push at tulungan ang kanyang ex-girlfriend, na isa sa mga major support sa project na kinaaaniban nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi pa ba lubusang matanggap ni starlet actor na hiniwalayan na siya ng kanyang actress-girlfriend at kung anu-anong pagmamarakulyo ang pinapalutang sa mga kasamahan nila sa trabaho?

Ultimo kasama ng ex-girlfriend sa trabaho ay pinagsususpetsahan niyang dahilan ng kanilang breakup.

Hindi ba puwedeng na-outgrow lang talaga ng aktres ang starlet actor, na hanggang ngayon ay kilos-loser pa rin?

Sana maka-move on at move forward na sila pareho—apart.

JERRY OLEA: Ipinagpasalamat ng aktres sa social media ang mga natutunan niya sa pakikipagrelasyon sa starlet actor noong nakaraang taon.

Move on agad si aktres matapos matanto na hindi si starlet actor ang itinakdang “the one” para makatuwang niya sa buhay.

Inaasahang lalong magniningning ang career ni aktres ngayong 2019, habang ang nag-aampalayang starlet actor ay tila napag-iwanan sa pansitan.

GORGY RULA: Break na pala sila? Naku! Naku!

Sobrang matutuwa ang isang binatang pulitiko dahil crush niya si aktres.

Last week lang, tinanong ako ng close friend ng binatang pulitiko kung kaibigan ko ba si aktres.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Type kasi siyang makilala ni pulitiko at baka puwedeng mayaya siya sa isang dinner o lunch.

Sabi ko, may boyfriend na si aktres kaya huwag na lang.

Kaya baka help mo ako, Sir Noel, na ipakilala si binatang pulitiko kay aktres.

Maloloka si starlet actor kapag nabalitaan niyang isang mayaman, guwapo at binatang pulitiko ang makaka-date ni aktres.

Hindi kaya humingi ng tulong si starlet actor sa tiyahin niya para umingay at sawsawan ang isyu niya sa ex-girlfriend?


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN