Pretty young actress, pretty girl din pala ang type

GORGY RULA: Maiirita ang kalalakihan kapag nalaman nilang kapwa girl ang type ng magandang young actress.

Ngayon lang namin napagtantong never pa nabalitang nagka-boyfriend si young actress.

ILLUSTRATION Jeremiah Idanan

Maganda siya, bata, parang beauty queen ang ganda, pero hindi siya na-link kung kaninong aktor, at wala siyang in-entertain na manliligaw.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Iyon pala, kagaya niyang sexy at maganda ring girl ang type niya.

Wala kang mapapansin sa mga pinu-post niya sa kanyang social media account, pero nadiskubre ng ilang kaibigan na merong isang maganda ring girl na close kay young actress na nagpu-post ng mga kuha nilang dalawa.

Kapansin-pansin sa mga pinu-post ni pretty girl sa kanyang social media account ang mga sweet message ni young actress sa ilang post niya.

Kamakailan lang ay nagulat ang ilang kaibigan sa IG Live ni pretty girl na nasa isang beach resort, at kasama niya roon si young actress.

Ang sweet nilang dalawa na puwede mong sabihing close friends lang sila, pero hindi maiwasang malagyan ng malisya dahil aminado si pretty girl na gay siya at kapwa pretty girl ang type niya.

Ewan ko lang kung mag-out si young actress dahil hindi pa ganoon kabongga ang career niya, pero promising siya at marami pang puwedeng gawin sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NOEL FERRER: Let us celebrate their individuality at kung may relasyon sila ng kauri niya, kebs! 2019 na ngayon, isyu pa ba ‘yan?!

Ang aabangan natin ay kung paano ito iha-handle ng mga taong nagpapatakbo ng career nila.

In the case of Martin del Rosario, sa kasagsagan ng promo ng LGBT movie na Born Beautiful ay biglang inilabas ang trailer at publicity ng movie with Sunshine Cruz and Kiko Estrada. Pambalanse kuning-kuning.

E, sa kaso nitong upcoming actresses (aktres ba talaga, Tito Gorgy?!), kailangan silang ipakilala muna sa publiko at kung ano ang ginagawa nilang maganda bilang artista at hindi ang personal nilang buhay.

Pero mabibilib ako kung magpapakatotoo sila.

After Mark Bautista at Jake Zyrus, wala pang sumunod na taga-showbiz ang umamin ng tunay nilang pagkatao. Bakit kaya?

JERRY OLEA: At least, hindi agad-agad mabubuntis si young actress na produkto ng isang reality show.

Natsismis na si young actress sa young singer-actress na na-discover sa isang video-sharing website.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung saan sila maligaya, hayaan na natin sila.

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN