JERRY OLEA: Ayon sa sources ng PEP Troika, naka-P915M na ang pelikulang The Hows Of Us as of December 31, 2018.
Ang pelikula ng KathNiel (Kathryn Bernardo & Daniel Padilla) ang all-time na pinakamalakas na Pinoy movie (hindi adjusted sa inflation).

Papantay kaya rito o lalampas ang LizQuen movie na Alone/Together, na nakatakdang ipalabas sa Pebrero 13?
Sa Pebrero 5 ang umpisa ng Year of the Earth Pig. Masuwerte ba ito sa tambalan nina Liza Soberano at Enrique Gil?

Ang insights ng kaibigan naming psychic/spirit questor na si Atty. Nick Nañgit nitong Enero 28, Lunes ng hapon, â??Baka mapantayan ng LizQuen movie na Alone/Together ang KathNiel movie na The Hows of Us.
â??Maamo kasi ang Taon ng Lupang Baboy sa mga Apoy na Baka at Tubig na Unggoy.
â??Makikipagsapalaran si Liza, dala ng kanyang numero 5 sa unang araw ng pelikula, pero sasaluhin siya ni Enrique, dala ng pagkakatugma ng numero ng araw na ito sa kanyang numerong 9.
â??Huwag lang manghina ang kalooban ni Enrique, dahil sa posibleng pagkakasakit nito dala ng kapaguran.
â??Bukod dito'y susulong ang elemento ng apoy na bumabalot sa isang Aries at ang elemento ng lupa ng isang Capricorn.
â??Para matupad ito, kinakailangan nilang itodo ang pag-promote ng pelikula at bigyan lalo ng patikim ang mga manonood ng higit pa sa trailer lang.
â??Makakatulong lalo kung may magbabayad sa Pebrero 12, sa pagitan ng 7:30 at 9:00 nang umaga, para sa isang block screening.
â??Samantalahin ang biyaya ng paglaki ng buwan na nasa konstelasyon ng Taurus at parehong kasundo pa ng Tubig at Lupa ng LizQuen.â??
NOEL FERRER: In fairness sa playdate ng pelikula ng LizQuen, aside from Pasko (na holiday at may pera ang mga tao) at Easter Sunday (na holiday at sabik ang mga tao sa nakakaaliw na pelikula), ang Valentineâ??s week ay isang very viable na playdate dahil handang gumastos ang mga tao.
Suwerte talaga ang KathNiel at sobra ang suporta sa kanila ng mga fans nila na ang sipag na magpa-block screening. Ang hamon ay may ganyang suporta ba ang LizQuen fans?
Isa pang matinding factor ay ang kabuuan ng pelikula. Sana ay maganda ito para maganda rin ang word-of-mouth.
In fairness, maayos ang track record ni Antoinette Jadaone kung kalidad ng pelikula ang pag-uusapan.
Ginastusan din ito dahil may New York City scenes pa ang pelikula.
May mahahalagang papel din sa Alone/Together sina Adrian Alandy at Jasmine Curtis-Smith.
GORGY RULA: Hindi naman siguro gagamitin ng Star Cinema ang hula para ma-promote itong pelikula nina Liza Soberano at Enrique Gil.
Depende na rin sa kanila kung paano nila ito ibenta.
Pero tingin ko, hindi nagpa-pressure ang LizQuen na kailangang mahigitan o mapantayan man lang ang kinita ng The Hows of Us ng KathNiel.
Nasa supporters na nila kung paano nila ito palakasin.
Kakayanin kaya ng LizQuen fans na mag-organize ng mahigit 200 block screenings?
Solid kasi ang KathNiel fans kung bumuo ng block screening na kahit ilang linggo na ito sa mga sinehan, patuloy pa rin sila sa pag-sponsor ng mga block screening.
Pero depende pa rin ito lahat kung maganda ba ang pelikula.
Maganda kasi ang feedback sa The Hows of Us. Sana, ganun na rin sa Alone/Together.