Kasalang Luis Manzano-Jessy Mendiola, mangyayari sa tamang panahon?

JERRY OLEA: Nag-cameo si Luis Manzano sa MMFF 2018 entry ni Jessy Mendiola na The Girl in the Orange Dress.

IMAGE Mark Atienza

Sinamahan ni Luis si Jessy sa premiere night ng movie nitong ‘TOL noong Enero 29, Martes, sa Trinoma, Quezon City.

Malamang na suportahan din ni Luis ang coming soon na movie ni Jessy with Arjo Atayde na Stranded.

Sa kabila ng hayagang pagsuporta, pagmamahal at pagmamalasakit ni Luis kay Jessy, may netizens na nag-hanash na kesyo hindi pakakasalan ng 37-anyos na binata ang 26-anyos na dalaga.

Itatanong pa ba natin sa mga bituin, planeta at bulalakaw kung lalagay ba sila sa tahimik sa Taon ng Baboy?

NOEL FERRER: Sana nga, sila na.

Mangyayari ang dapat mangyari sa tamang panahon.

All the best, Luis at Jessy!

GORGY RULA: Kaya lang, na-negatron na naman sila sa fans na pinatulan ni Luis at kung anu-ano ang mga sinabi niya.

Siguro, matatahimik na sila at mawala na ang kanegahan kapag nagpakasal na sila.

Magdadala si Cong. Vilma Santos ng good vibes sa kanila.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN