Sino ang bagay magbida kapag ire-remake ang Marina ni Claudine Barretto?

by PEP Troika
Feb 4, 2019

JERRY OLEA: Sino ang karapat-dapat lumangoy na Marina kung ire-remake ang 2004 Kapamilya fantaserye na pinagbidahan ni Claudine Barretto?

Si Julia Barretto... pamangkin ni Claudine.

Si Jane Oineza... gumanap noon bilang batang Marina.

Si Bela Padilla... bet mag-audition sa papel ng nasabing sirena.

Si Janella Salvador... nag-splash na bilang mermaid sa pelikulang My Fairy Tail Love Story (2018).

Continue reading below ↓

Si Liza Soberano... na gaganap ding Darna sa pelikula.

Si Kathryn Bernardo... na gumanap bilang young Jenny (Marian Rivera) sa Endless Love (2010) ng GMA-7. Take note na nagbida si Marian sa Kapuso telefantasyang Dyesebel.

Si Nadine Lustre... na matagal nang nami-miss ng JaDine fans sa telebisyon.

Si Pia Wurtzbach...

Nababanggit din na posibleng mag-Marina sina Maja Salvador, Yen Santos, Yam Concepcion, Jessy Mendiola, Loisa Andalio, Barbie Imperial, Sue Ramirez, Sofia Andres, Ritz Azul, Maris Racal, Maymay Entrata, Kisses Delavin, Andrea Brillantes, Elisse Joson, at kung sinu-sino pang starlet.

NOEL FERRER: Sisisid muli ang Marina? I’m sure, the Kapamilya network still has more original projects in the can para mag-isip ng remake.

Pero for the sake of argument, mas gugustuhin ko na si Julia ang maging Marina para may history at kunek sa tita niyang si Claudine.

Ang ganda lang ng timing that we are talking about this kasabay ng paglabas ng kontrobersyal at revealing picture ni Julia na nasa tubig. Quite a good coincidence, huh?!

Continue reading below ↓

GORGY RULA: May ganoong plano talaga ang ABS-CBN?

Pero agree na rin ako kay Sir Noel na mas bagay kung si Julia.

Baka naman pahiwatig na rin yung ipinost ni Julia nasa lagoon na ang buong akala ng ibang netizens ay topless ito.

Hindi kaya hudyat na yun na isang sirena ang susunod niyang gagampanan?

View this post on Instagram

be still ps I’m not naked thanks

A post shared by Julia Barretto (@juliabarretto) on

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results