Temang suicide sa digital film na Project Feb. 14, dapat idaan sa MTRCB?

Temang suicide sa digital film na Project Feb. 14, dapat idaan sa MTRCB?
by PEP Troika
Feb 8, 2019
PHOTO/S: James Patrick Anarcon

JERRY OLEA: Nang mag-suicide si Brian Velasco noong Enero 16, pumasok agad sa isip ko ang Netflix series na 13 Reasons Why, at ang Project Feb. 14 na ipapalabas ng Dreamscape sa iWant app.

Si Brian ang pumanaw na Razorback drummer na vinideo ang sarili nang tumalon sa isang mataas na gusali.

Sa dalawang seasons ng 13 Reasons Why, nagpatiwakal ang teenager na si Hannah (Katherine Langford) at idinetalye niya sa audio cassettes kung bakit niya ginawa iyon.

Halos ganito rin ang tema ng bagong digital film ng iWant ngayong 2019.

 IMAGE James Patrick Anarcon
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

(Seen in the photo are Project Feb. 14 lead stars McCoy de Leon and Jane Oineza together with director Jason Paul Laxamana.)

Sa Project Feb. 14, ido-document ng videographer na si Cody (JC Santos) ang pagpapakamatay nina Annie (Jane Oineza) at Brix (McCoy de Leon) sa Araw ng mga Puso.

Gina-glamourize ba nila ang pagsu-suicide?

Pebrero 13 sana ito ipapalabas sa iWant, kaya sa teaser ay may pasiklab na, “Hearts will stop beating on the day we celebrate love.”

Kamukat-mukat mo, in-advance at Pebrero 9 na raw ang simula ng streaming nito.

Nitong Pebrero 7, Huwebes nang gabi, nag-announce ang Dreamscape na Pebrero 16 na ang streaming date ng Project Feb. 14.

Monthsary iyon ng pagsu-suicide ni Brian.

NOEL FERRER: Bakit naurong? E, sa umpisa pa lang ng official trailer, meron nang nakalagay, “WARNING: The following content may contain elements that are not suitable for some audiences. Viewer discretion is advised.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Very relevant ang tema ng ganitong panoorin. Mental health, depression, and suicide are very sensitive topics na kailangang i-depict with utmost care and expertise.

Sana lang, maging hopeful at feeling loved ang makakapanood nito afterwards.

GORGY RULA: Dati, sa pelikula at TV lang napapanood ang mga artista. Ngayon, may digital na. Pang-online.

Kaya ang mga pelikula natin ang apektado nang husto. Ang dami nang magagandang napanood sa TV.

Napapanood na rin doon ang mga pelikulang wala pang isang taong naipalabas sa mga sinehan, heto ka’t nasa TV na.

Ngayon may digital movies and series na hindi na kailangang idaan sa MTRCB (Movie and Television Review and Classification Board), na mapapanood sa iWant TV, Iflix, You Tube, at iba pang digital platforms.

Sakop pa sana ito ng MTRCB, di ba?

Gagastos ka pa ba ng PHP300 kung mas maganda pa ang napapanood mo sa TV at digital?

Itong Project Feb 14, makakalusot ba agad sa MTRCB kung sa commercial theaters ipalalabas?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sana, huwag dumating ang araw na foreign films na lang ang mapapanood natin sa mga sinehan.

Subukan kayang ibalik ang bold films na nagpasikat noon kina Rosanna Roces, Rita Magdalena, Priscilla Almeda, Klaudia Koronel, Ynez Veneracion, at Ina Raymundo?

Read Next
Read More Stories About
pep troika, IWant, MTRCB
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: James Patrick Anarcon
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results