Biboy Ramirez, may nakunang multo sa UP Oval?

by PEP Troika
Feb 11, 2019
PHOTO/S: Facebook

NOEL FERRER: “May nakunan ako sa U.P. after my night run. PUNYETA.”

Ito ang pahayag ng aktor na si Biboy Ramirez na katatapos lang mag-jog sa UP Oval, UP Diliman, Q.C.

“Ngayon lang ako nag-jog sa UP nang late. Normally 4pm ako doon,” ang sabi ni Biboy.

Wala siyang nakita o naramdamang multo habang tumatakbo siya.

Continue reading below ↓

Pagkatapos niyang mag-jog, kumuha siya ng photo ng lugar intended for his social media post.

“I was shocked. Dapat mag-sit around pa ko to cool down pero umuwi na lang ako, kasi paubos na ang tao and may curfew na pala sa UP ngayon,” dagdag ni Biboy pagkatapos niyang makakita ng hugis tao sa picture.

“11 P.M. yata ang curfew. Nilapitan ako ng security, e. Kaya umuwi na rin ako saka nag-post.”

Tinanong ng PEP Troika kung babalik pa si Biboy sa pagjo-jod sa UP kahit may ganitong karanasan nang nakakatakot.

Ang sabi niya, “Yes, babalik pa rin ako pero hindi na mag-isa siguro.”

Continue reading below ↓


JERRY OLEA: Kung iyan ay isang spirit o ligaw na kaluluwa, meron kaya siyang nais ipahiwatig kay Biboy?

Dapat siguro ay dumulog siya sa albularyo, psychic o spirit questor upang usisain kung may “stalker” siyang supernatural being.

GORGY RULA: Isa lamang ito sa horror stories diyan sa UP Diliman. Hindi na bago ‘yan.

Saka hindi lang naman sa UP Diliman may mga kumakalat na ganyan. Mas matindi pa sa ibang lugar.

I’m sure, mas marami ka pang naririnig tungkol diyan, Sir Noel.

Pero dapat mag-ingat din si Biboy, dahil minsan nadadala o kaya sumasama ang spirit sa bahay ng taong nakakita.

Merong isang actor-politician na matagal bago natanggal sa kanya, kaya nagpatingin na siya sa spirit questor para matanggal lang ito sa kanya nang may nakita at naramdaman siya noon sa isang hotel sa Baguio, ilang taon na ang nakararaan.

Gawin na ng Kapuso Mo, Jessica Soho ‘yan!

Read Next
Read More Stories About
pep troika
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results