Pag-amin ng LizQuen, itinaon sa promo ng pelikula nila?

by PEP Troika
Feb 11, 2019
PHOTO/S: Ogie Diaz Facebook

JERRY OLEA: Pasiklab ang pag-amin nina Liza Soberano at Enrique Gil sa Gandang Gabi, Vice nitong Pebrero 10, Linggo ng gabi, na mahigit dalawang taon na ang kanilang relasyon.

liza soberano enrique gil
 IMAGE Ogie Diaz Facebook

Siyempre, masaya at kilig-kiligan ang LizQuen fans sa kanilang revelation.

Siyempre rin, may mga nag-hanash na kesyo pinu-promote kasi nila ang Valentine movie nila na Alone/Together.

Continue reading below ↓

Bahagi ng post ni Ogie Diaz (manager ni Liza) sa Facebook nitong Pebrero 11, Lunes ng madaling-araw: “Ano bang gusto nilang itanong ni Vice Ganda? Kay Liza, kung kumusta na ang friendship nila ni Daniel Padilla, o kaya si Enrique kay Kathryn Bernardo, ganu’n ba?

“Again, kung naapektuhan 'yung iba at nagkaroon pa ng pribilehiyo na mam-bash eh tanggapin na lang ang katotohanang hindi talaga pare-pareho ang mga tao...

“At least, maraming napangiti ang loveteam, so sana good vibes na lang...”

Continue reading below ↓

Sa mga pasaway na negatrons, magmuni-muni na lang kayo kung may Valentine gift sa isa’t isa sina Barbie Forteza at Jak Roberto.

NOEL FERRER: With the way they conduct themselves, alam nating sila na pero they are entitled to that privacy.
And what a lovely couple they make!

Of course, PEP Troika thinks and hopes na Alone/Together will be the first major hit movie of the year!

Sana mabawi nito ang mga target ng mga sinehan at producers na hindi naabot simula nang magbukas ang taon.

GORGY RULA: Hindi ko na maalaala kung sa My Ex and Whys ba sila may inamin tungkol sa kanilang relasyon.

Kaya ang buong pagkaalam ko, matagal na ang kanilang relasyon.

Ini-reserve sa pelikula nilang ito ang official na pag-amin.

Siyempre, kailangan para sa promo ng Alone/Together.

Iyon yata talaga ang kailangan sa love team para patuloy na tangkilikin ng fans. Ituloy na ninyo ang relasyon para lalo kayong mahalin ng fans.

Continue reading below ↓

Malaking bagay ito para panoorin ang kanilang pelikula.

Hindi kaya nakaplano na ito noon pa kung kailan sila dapat umamin?

Magaling ang Kapamilya network diyan!

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Ogie Diaz Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results