Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Kiko Estrada, hindi na hinabol ng GMA-7?

by PEP Troika
Feb 13, 2019
PHOTO/S: Courtesy of ABS-CBN

JERRY OLEA: Mapapanood na muli sa Kapamilya Network si Kiko Estrada!

Bida sila ni Janella Salvador sa post-Valentine episode ng MMK sa Pebrero 16, Sabado ng 8:30 PM, pagkatapos ng World of Dance Philippines sa ABS-CBN.

Kiko Estrada and Janella Salvador
 IMAGE Courtesy of ABS-CBN

Tungkol ito sa tadhana ni Moira de la Torre... ang pagtigil ng kanyang mundo nang pinili siya ni Jason Marvin.

Continue reading below ↓

Nakakakilig!

Naka-line up naman sa Magpakailanman ng GMA-7 ang kuwento ng isang ama na ginamit ang paslit niyang anak para magtulak ng droga.

NOEL FERRER: So, hindi na siya hinabol ng GMA-7?

Oh well, sana magtagumpay siya sa kanyang paglipat sa Kapamilya network!

Tingnan natin kung sino sa Walwal boys ang aangat talaga lalo pa’t magkakasama na sila sa ABS-CBN.

Good luck!

GORGY RULA: Ayaw ni Kiko magbigay ng detalye kung paano siya ini-release ng GMA-7, pero paulit-ulit siyang nagpapasalamat sa lahat na ginawa ng Kapuso network sa kanyang career.

Wala na rin daw siya sa GMA Artist Center, na hindi rin niya sinabi kung paano natapos ang kontrata niya.

Basta ang ALV na raw ang humahawak sa kanya at nagpaplano sa kanyang career.

Hindi ko kinulit-kulit kung ano ang nangyari sa meeting nila sa GMA-7. Panay kasi ang English, di ko na masabayan.

Basta okay na raw lahat at pasok pa rin siya sa bagong teleserye ng Kapamilya network na Kapalaran.

Continue reading below ↓

Good luck, Kiko!

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Courtesy of ABS-CBN
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results