Jak Roberto, payag mag-frontal nudity sa pelikula

GORGY RULA: Okay lang kay Jak Roberto mag-frontal nudity sa isang pelikula basta maganda ang kuwento at okay ang direktor.

IMAGE Noel Orsal

Aware ang Kapuso hunk actor na isa sa puhunan niya ay ang kanyang seksing katawan at ang six-pack abs niya, pero ngayon ay hindi na raw siya madalas pinapag-topless.

“Siguro, pinagpahinga na lang muna. Pero nai-inspire na ako mag-workout pag pinag-topless ako, e,” nakangiting pahayag ni Jak sa presscon ng Kara Mia.

Tinanong na rin namin si Jak, sakaling bigyan siya ng isang film project na sexy ang tema at kailangan may fontal nudity, willing ba siyang gawin ito?

“Why not?" diretsong sagot ni Jak.

“Kung ang direktor saka yung script po, maganda, bakit hindi?

"Sa time ngayon, mas gusto ko na rin mag-pelikula, e.”

Mayroon daw siyang nabasa sa Facebook na nagpa-audition sa isang pelikula na maselan ang tema tungkol sa mga lalaking bayaran.

Gusto sana niyang mag-audition noon, pero hindi pumuwede sa schedule niya.

“Hindi ko na nakita kung may audition pa uli. Siguro, may napili na sila,” dagdag niyang pahayag.

Sakaling kailangan nang maghubad sa audition, gagawin din ba niya ito?

“Why not? Kung yun ang kailangan, e,” walang kagatul-gatol niyang sagot sa amin.

JERRY OLEA: Okey lang kaya kay Barbie Forteza na ang liyag niyang Pambansang Pandesal... maging Pambansang Hotdog?

Panahon lang ang makapagsasabi.

NOEL FERRER: Kung OK naman kay Jak Roberto at tunay siyang may ipagmamalaki... at kung lalaki pa ang kanyang estado bilang artista dahil sa pagbuyangyang niya, sino tayo para tumanggi?

Sana, hindi ito sali-salita lamang.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN