Alone/Together ng LizQuen, pinutol ang "sumpa" ng Pinoy films sa box office?

by PEP Troika
Feb 15, 2019
PHOTO/S: @black_sheepph on Instagram

JERRY OLEA: Naka-P21.7M ang Alone/Together nang mag-umpisa itong ipalabas noong Pebrero 13, Miyerkules, sa 260 sinehan.

Naka-P40.2M ang LizQuen movie noong Pebrero 14, Araw ng mga Puso.

 IMAGE @black_sheepph on Instagram

Nitong Huwebes before lunch ay 280+ na ang cinemas nito. After lunch, 300+ na. As of 4:00 PM, 330+ cinemas na.

Continue reading below ↓

Bale naka-P61.9M ang “perfect Valentine movie” sa dalawang araw, ayon sa Black Sheep at Star Cinema.

Siyempre, malakas pa rin ngayong Pebrero 15, Biyernes, ang pelikula nina Liza Soberano at Enrique Gil.

Akinse nga kasi, araw ng suweldo.

Bongga ang word-of-mouth. Masarap ulit-ulitin ang panonood ng movie.

Ang kissing scenes... hinihiyawan. Nakakakilig pong tunay!

More & more ang block screenings.

At ngayon ang Valentine’s Day ng mga Kabit.

NOEL FERRER: Sabi nga ng FDCP Chair nating si Liza Diño-Seguerra, “Bankable cast + good script/story + director + marketing = box office success.

“ALL of these elements must be in the movie. You take out one and you lessen the chances of optimizing your movie's potential for commercial success.

“Congratulations Alone/Together Team! Your success is the local film industry's success.

“Pinatunayan n’yo na nand’yan pa rin ang manonood ng pelikulang Pilipino. They’re just waiting for the right film that's worth their hard earned money.

Continue reading below ↓

“But let's not be complacent. Our audience deserves nothing less than the BEST. Let's prove to them that it's still worth it to invest on Filipino films.”

GORGY RULA: Nabanggit nga ni Direk Joey Reyes sa presscon ng Regal’s Time & Again kahapon, February 14, na masaya silang lahat sa box-office success ng Alone/Together.

Sabi nga niya, kahit saang studio man ito, maging masaya na tayong lahat dahil may pelikula nang tumabo sa takilya.

Kaya hindi maiwasang ma-pressure ang mga susunod na mga pelikulang ipalalabas.

Pinutol na nga kaya ng Alone/Together ang “sumpa”?

Ang susunod kayang pelikulang ipalabas ay maganda rin ang kalalabasan sa takilya?

Sa February 20 na kasi ang showing ng Time & Again na sina Winwyn Marquez at Enzo Pineda ang mga bida.

Paano tatanggapin ni Direk Joey ang magiging kapalaran sa takilya ng kanilang pelikula?

Sagot ni Direk Joey, “I will use the words that my father told me, 'Bahala na si batman.' Whatever will be, will be.

Continue reading below ↓

"The point is that… Winwyn and Enzo, and everybody in that group gave their best, and I am so happy with the movie.

"How the audience will respond to it, that’s their decision, that’s their call and I will not take it against them."

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: @black_sheepph on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results