Aktres, nag-walkout sa taping ng pinagbibidahang primetime series

by PEP Troika
Feb 15, 2019

GORGY RULA: Hala! Ano ito?! Totoo bang nag-walkout ang aktres na bida sa isang primetime teleserye sa taping niya ngayong Biyernes ng hapon, February 15?

ILLUSTRATION Jeremiah Idanan

Inaalam pa po ng PEP Troika ang dahilan bakit biglang nilayasan ni Aktres ang taping niya pagkatapos makunan ang eksena kasama ang isa sa lead actors na initials ang pangalan.

Continue reading below ↓

Sa pagtatanong ko, hindi raw si aktor ang dahilan. Baka... as in baka lang, ha?

Baka ang dahilan daw ay si Direk, na di raw kasundo ni Aktres.

Aalamin pa po namin ‘yan!

NOEL FERRER: Naku, naku! May direct line si Aktres sa kinauukulan kaya tingnan natin ang magiging aksiyon sa pagwu-walkout ni Aktres.

Naku, kontrobersiyal ang primetime soap. At least, OK ang ratings nila.

JERRY OLEA: Nagmumuni-muni ako sa music video ng kanta ni JK Labajo na "Demonyo" nang mabalitaan ko ang pagwu-walkout ng aktres.

Generally speaking, professional ang aktres at hindi basta-basta magwu-walkout.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results