Upcoming female singer, major-major ang pagpiyok sa isang show

NOEL FERRER: Usap-usapan sa teatro ang pagpiyok ng isang upcoming singer, na girlfriend ng isa pang singer, sa isang pagtatanghal.

ILLUSTRATION Jeremiah Idanan

Well, it happens to the best of us, kaya sa akin, mapapatawad ko ito.

Ang sabi nga, iba lang talaga ang disiplina sa teatro. Kailangang you are on your toes always.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

At instant din ang reaction, kaya napailing na lang ang audience sa nangyari.

JERRY OLEA: Hindi lang minsan ang pagpiyok ng upcoming female singer, na member ng all-girl group.

Interesado ba si Aling Tibang at ang kanyang apo kung gaano kadalas ang pagpiyok niya?

Sana, praktis-praktis pa siya sa pag-awit ng "Tuyo Na’ng Damdamin."

Angkop sa kanya ang ilang linya ng awit, “Kahit na anong gawin, di mo na mapilit at madaya. Aminin sa sarili mo, na wala ka nang ibubuga...”

GORGY RULA: Major, as in major, ang pagpiyok ng upcoming female singer.

Hanash ng itinuturong publicist niya, “Sinadya ‘yang pagpiyok! Pinag-meeting-an namin kung saang parts siya sasablay!”

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close