Barna ni Karla Estrada, nakadepende sa Darna ni Liza Soberano

JERRY OLEA: Depende kay Liza Soberano kung kailan gagawin ni Comedy Momshie Karla Estrada ang dream movie niyang Barna.

 IMAGE Jerry Olea

“Hindi muna tayo mag-i-start, kasi kailangan muna nating makalipad si Darna!” mataginting na bulalas ni Queen Mother sa presscon ng pelikula niyang Familia Blondina nitong Pebrero 17, Linggo, sa Racks, Timog Avenue, Q.C.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Oo, pero hintayin natin yun, kasi yun naman kasi talaga ang gusto kong maging ano...

“Kasi, hindi naman tayo pwedeng manguna-nguna.

"But of course, kung hindi man, malaman natin... we’ll never know, tao na rin ang magpapasya.

“Panginoon ang magpapasya kung kailan lilipad si Barna.”

Natigilan si Karla bago nagpatuloy, “Ay! Hindi pala nakakalipad si Barna. Hindi. Ambigat, di ba?”

Si Barna ay pinaghalong Barney (purple anthropomorphic dinosaur) at Darna (gagampanan ni Liza sa pelikula).

GORGY RULA: Tingnan muna kung eepek ang Familia Blondina bago magplano ng panibagong project, di ba?

Suportado naman siguro ng KathNiel fans ang pelikula ni Karla, kaya malay natin, di ba?

Kunsabagay, may kakaibang karisma si Karla sa fans, lalo na sa executives ng ABS-CBN.

JERRY OLEA: Nananalig si Karla na perfect sa Year of the Pig ang showing ng movie niyang Familia Blondina sa Pebrero 27.

“Perfect!” maigting na sambit ni Karla.

“Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Oo, perfect talaga. Kasi, actually, I’m Year of the Tiger.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero si Daniel [Padilla] is Year of the Pig.

“Year of the Pig is really my year, na feeling ko... kasi ang positive agad nung ano pa lang, e.

“So, maganda talaga ang combination namin ni Daniel because I’m Year of the Tiger, si Daniel sa Year of the Pig.

“Ganun pa man, walang masama na maniwala tayo diyan. Parang guidance natin ‘yan, ano?

“Pero siyempre, lahat ‘yan ay idinarasal ko sa Panginoon. Dinasal ko lahat ito.

“At sinabi ko sa Panginoon, kung hindi ako deserving, hindi ko makikita lahat ito.

“And I think, may ginawa akong mga pangyayari sa buhay ko noon, na dumarating ‘tong mga blessing na ‘to ngayon.”

NOEL FERRER: Good luck sa Familia Blondina!

Sana, ito ang maging beneficiary ng pagbalik ng mga audience sa mga sinehan para manood ng pelikulang Pinoy pagkatapos ng matumal na turnout bago mag-Alone/Together.

We’ll see! Doon nakadepende ang pag-ariba ng Barna, actually, hindi kay Liza.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close