TV Ratings: Magpakailanman, panalo sa AGB; MMK, panalo sa Kantar

by PEP Troika
Feb 19, 2019

JERRY OLEA: Ayon sa Nationwide (NUTAM) People’s Ratings noong Pebrero 16, Sabado, naka-11 percent ang Magpakailanman, samantalang naka-10.7 percent ang MMK.

Panalo ang Magpakailanman tungkol sa batang si Marco (Dentrix Ponce) na inutusan ng amang si Ben (Tonton Gutierrez) upang magtulak ng droga.

Continue reading below ↓
Recommended Videos
Continue reading below ↓
Dentrix Ponce in Magpakailanman
 IMAGE Courtesy of GMA Network

Sa National TV Ratings (Urban + Rural) ng Kantar Media, naka-27.2% ang MMK, samantalang naka-16.9% ang Magpakailanman.

Wagi ang MMK episode na nagtampok sa love story nina Moira de la Torre (ginampanan ni Janella Salvador) at Jason Hernandez (ginampanan ng balik-Kapamilya na si Kiko Estrada).

Continue reading below ↓

Sa Pebrero 23, Sabado ng 8:30 P.M., tampok ang kuwento ni Bernadette Castillo (ginampanan ni Maryjoy Apostol), isang babaeng may kakaibang kundisyon sa balat.

NOEL FERRER: Mas gusto ko na ang naglalaban ay mga kuwentong walang halong politika at pangangampanya.

Pagandahan na lang ng production values at kung ano ang kakapitan ng masang manonood ng mga programa sa telebisyon!

Continue reading below ↓

GORGY RULA: Dapat maglabas na rin ang ABS-CBN ng ratings ng AGB Nielsen, dahil nag-subscribe uli sila roon.

Halos lahat ng TV networks ay sa Nielsen nagsu-subscribe at doon sumusunod ang GMA 7. Hindi sa Kantar dahil Kapamilya network lang ang nagsu-subscribe doon.

Magkakaiba kasi ang ratings ng iba pa nilang programa.

Kagaya ng The Boobay ang Tekla Show (TBATS) na lalo pang lumalayo ang agwat nito sa Gandang Gabi Vice.

Ayon sa NUTAM, naka-6.1 percent ang TBATS at 4.4 lamang ang GGV noong February 17.

Ano naman kaya ang sa Kantar nila?

Continue reading below ↓
 IMAGE @boobay7 / @praybeytbenjamin Instagram

JERRY OLEA: Ayon sa National TV Ratings (Urban + Rural) ng Kantar Media noong Pebrero 17, Linggo, naka-10 percent ang GGV, samantalang naka-7.5 percent ang TBATS.

Siyempre, aabangan natin ang ratings ng bagong Kapuso primetime show na Kara Mia (pumalit sa Cain at Abel).

Ito na ba ang magpapatumba sa FPJ’s Ang Probinsyano ni Coco Martin?

Continue reading below ↓
 IMAGE Kara Mia (GMA-7) / FPJ's Ang Probinsyano (ABS-CBN)
Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results