Grand homecoming ni Miss Universe 2018 Catriona Gray, kasado na

JERRY OLEA: The Queen is home!

Pila-pila ang mga taga-media na nagparehistro sa presscon ni Miss Universe Catriona Gray ngayong Pebrero 20, Miyerkules, sa Novotel Hotel, Araneta Center, Quezon City.

IMAGE Miss Universe Organization

Sa grand parade bukas, Pebrero 21, Huwebes ng 2 P.M., sa Pasay, Manila & Makati, sasakay si Catriona sa majestic float na inspired ng Mikimoto crown at magma gown na likha ni Mak Tumang.

Sa Pebrero 23, Sabado ng 4 P.M., sa Araneta Center naman ang parada.

Sa Pebrero 24, Linggo, 7 P.M., sa Araneta Coliseum, gaganapin ang programang Raise Your Flag For Catriona Gray (Miss Universe 2018 Homecoming).

Tampok dito sina Pia Wurtzbach, Maymay Entrata, Bamboo, KZ Tandingan, Morissette Amon, Jed Madela, TNT Boys, ABS-CBN Philharmonic Orchestra, at Vice Ganda.

Para sa tiket, tumawag sa (02) 911-5555.

Sa Pebrero 26, Martes, bibisita si Catriona sa mga organisasyong malapit sa kanyang puso, at magko-courtesy call kay VP Leni Robredo.

NOEL FERRER: Hail to the Queen, our 4th Miss Universe Catriona Gray!

She deserves all these honors dahil kakaibang karangalan ang ibinigay niya sa ating bansa.

Sana, ganito rin kung may nananlong artista o director o kahit na sinong taga-pelikula na nagbibigay rin ng karangalan sa ating bansa sa mga international na mga timpalak at mga A-list na film festivals!

JERRY OLEA: Siyempre pa, masaya ang Binibining Pilipinas sisters na makapiling muli si Catriona.

Sabi ni Karen Gallman, ang unang Pinay na Miss Intercontinental, “I’m happy and excited for her homecoming. We Filipinos are all so happy and proud of Cat’s achievement and she deserves the best homecoming!”

Lahad ni Bb. Pilipinas-Supranational Jehza Huelar, “Cat worked really hard for this. Her homecoming activities are just the beginning of her reign as Miss Universe.

“She deserves everything that she has now, and I cannot wait to see what’s in store for her.

“I am beyond proud.”

At ang saad ni Bb. Pilipinas Grand International Eva Patalinjug, “I can’t wait to hug her and tell her how proud we are of her, that she deserves where she’s at right now.

“She’s an inspiration to everyone!”

GORGY RULA: Pangalawang balik na ito ni Catriona, pero ngayon pa lang nabigyan ng welcome party para sa kanya.

Ang paghandaan natin, ang homecoming parade niya bukas.

Ipinaparating na ng MMDA na asahan ang heavy traffic lalo na sa Pasay, Makati, at Manila.

Mahigit 200 traffic enforcers ang itatalaga sa mga lansangan at tatanggalin ang mga nagpa-park sa tabi ng kalye para maluwag ang dadaanan ng parada.

Tingin ko naman, hindi ito kasing-init ng pagtanggap kay Pia Wurztbach dahil mas may ingay talaga ang pagkapanalo ng Miss Universe 2015.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN