Dalawang bortalicious na aktor, lumalabas ang tunay na kulay kapag nakainom ng alak

by PEP Troika
Feb 20, 2019

JERRY OLEA: Kahit nagpipigil ang dalawang kilalang bortalicious actor, umaalagwa ang kanilang kalandian kapag sila’y nakainom ng alak.

ILLUSTRATION Jeremiah Idanan

Minsang nalasing si oragon na aktor nang gumimik sa bar, bigla niyang hinalikan ang pogilicious hunk na umeekstra-ekstra sa mga patalastas at TV shows ng GMA-7 at ABS-CBN.

Continue reading below ↓

Itinulak ni pogilicious extra (D. B. ang initials) ang oragon na aktor.

Ito namang bruskong aktor, minsang gumimik din sa bar ay diretsong tinanong ang isang poging habulin, “Pare, gusto mo ba akong matikman?” or something to that effect.

Straight ang poging habulin na nagmu-model, at tumanggi siya sa bruskong aktor na ayon sa kampo nito ay isa nang top star, definitely hindi pa-bottom.

Si poging habulin ay nainterbyu ni Mr. Fu para sa YouTube channel niyang WTFu.

Ang oragon na aktor at bruskong aktor ay magkasama sa bakuran ng isang network.

Ano kaya kung sila ang magkainuman?

NOEL FERRER: Kung may katotohanan man itong tsika tungkol sa kanilang sekswalidad, e, di #LoveWins!

Pero bilang paggalang, hayaan natin sila kung nais nilang magtago... o magladlad sa tamang panahon.

GORGY RULA: Hindi na bago ang ganyang kuwento sa mga aktor na matagal nang natsitsismis na bading.

Pero wala namang epek sa career nila. Lalo pa ngang bumubongga.

Continue reading below ↓

Si oragon na aktor ay bida sa kung anu-anong beki tsika na ikinukuwento ng ilang personalidad sa dating sports na sinasalihan nito, pero hanggang kuwento lang naman.

Wala nang nagpapalaki.

Si bruskong aktor na magaling humalik, mainit pa rin hanggang ngayon kahit nasangkot kamakailan sa kontrobersiya.

Huwag na huwag na lang silang umamin, nandiyan pa rin ang misteryo nilang hinahabol pa rin ng fans.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results