Hunk model-actor, niyayang lumabas ng dalawang sikat na gay personalities

JERRY OLEA: Pasabog na naman ang pagbubunyag ng isang hunk model-actor na mapapanood bukas, Pebrero 22, Biyernes, sa YouTube channel na WTFu.

Nagiging “tradisyon” sa YT channel ni Mr. Fu ang pag-amin ng pogilicious boys kaugnay sa mga kilalang bading na nagkainteres sa kanila.

Itong hunk model-actor ay lumabas na sa ilang indie movies, at nakipag-lips-to-lips sa kapwa lalaki.

Model ito ng isang underwear brand.

Muntik na rin itong magwagi sa isang prestihiyosong paligsahan ng mga modelo, na organized ng mga pinagpipitaganang fashion designer.

ILLUSTRATION Jeremiah Idanan

Kumportable si hunk model-actor kay Mr. Fu, at inamin niya ang kanyang engkuwentro sa dalawang sikat na gay personalities—si Ate at si Tito.

“Sinabi niya na niyaya siyang lumabas. Sumama siya. Kumain lang daw sila at nag-inuman,” lahad ni Mr. Fu nang maka-chat ko sa Messenger nitong Pebrero 21, Huwebes ng tanghali.

Kumain lang?! Me ganun?!

NOEL FERRER: Naku, mga high profile at A-listers ang sangkot!

Hindi ba malapit din sa inyo itong hunk model-actor, mga Ka-Troika?

At tight guarding siya ng dyowa nito?

Bumibigay ba siya ever?

GORGY RULA: Huwag na lang sigurong gamitin ang mga kilalang personalidad kung gusto mong pasukin ang mundo ng showbiz.

Kilala ko yung nagyaya sa kanya ng dinner, at naniniwala akong nakipag-dinner lang talaga kasama ang iba pa niyang kagrupo.

Nag-e-enjoy kasi ang grupo ng kalalakihang ito na sumamang lumabas sa iginagalang na showbiz personality na ito dahil nalibre na sila ng dinner at minsan inuman pa, may pakimkim pa bago umuwi.

Hanggang doon lang talaga dahil may ilan na ring hunk models na natanong ko at wala raw talagang nangyayari.

Kaya hindi na siguro kailangang itsika pa iyan kung nakipag-dinner lang naman.

Ang alam ko, isang direktor ang nagyaya sa kanyang makipag-dinner pagkatapos siyang isama sa taping ng teleserye ni Direk.

Pagkatapos nilang nagkakilala sa taping, tinawagan siya isang araw para sumama ring mag-dinner sa kanya kasama raw ang isang actress-TV host.

Hindi ko na alam kung sumama siya, dahil naaalangan pa siya noon kung sisipot siya, dahil hindi siya sure kung maisasama pa siya uli sa future projects ni Direk.

Maraming pinagdaanan ang hunk model na ito na binigyan ng tsansang magbida sa isang indie film.

Mukhang okey na siya ngayon sa tulong ng mapagpalang kamay ng madatung na sponsor.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN