Goodbye mahaderang model, hello premyadong aktres para sa lalaking ito

by PEP Troika
Feb 22, 2019

NOEL FERRER: Masaya ako sa balitang nasagap ko.

Ang isang mabait na male friend namin—na-broken hearted dahil sa isang female model na nakahanap na ng ibang kandungan abroad—ay nakahanap na ng bagong pag-ibig.

ILLUSTRATION Jeremiah Idanan

Sino ito?

Isang mahusay na aktres na multi-talented.

Dati na silang nagkamabutihan noon, pero medyo naudlot.

Continue reading below ↓

Hindi nawala ang affinity nila sa isa’t isa at yung aktres ay naging bridesmaid pa sa kasal ng kanilang common barkada.

Boto ako sa kanila. Pribado at positibo ang epekto nila sa isa’t isa. Hindi sila nagde-deny, hindi rin naman sila PDA.

Sakto lang.

I’m sure, aprubado ang mommy ng mabait ng lalaking ito ang bagong relasyon dahil puno ito ng positive vibes, unlike the last relationship ng anak niya na talagang nakita niyang dehado ito at labis na nagamit.

Good vibes na lang dito, Ninang!

JERRY OLEA: Iyong female model na ex ng lalaking mabait, mahaderang tunay. Poison ivy ang peg.

Ang pakikipagrelasyon dito ay rocky.

Ang mahusay na aktres, premyado. Sakto lang ang pagiging maharot.

Maski itanong niyo pa sa mga water lily.

GORGY RULA: Napapag-usapan na ang pagbabalikan nilang dalawa, pero wala pa silang kinu-confirm.

Parang mas gusto nilang manatiling pribado ito.

Continue reading below ↓

Maganda ngang tahimik na lang at huwag nang i-showbiz.

Malamang, mas ganado na sa pagsasayaw si aktres dahil in love na naman siya.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results