Kung may Worst Awards sa Pilipinas, sino kaya ang winners?

by PEP Troika
Feb 24, 2019

JERRY OLEA: Worst Actor si POTUS Donald Trump sa 39th Razzies (Golden Raspberry Awards) para sa documentaries na Death of a Nation at Fahrenheit 11/9.

Wagi rin si Trump at ang kanyang "self-perpetuating pettiness" sa kategoryang Worst Screen Combo para pa rin sa nasabing documentaries.

Worst actress si Melissa McCarthy para sa The Happytime Murders at Life of the Party.

Ano kaya kung mag-best actress si Melissa sa 91st Oscars (Academy Awards) para sa Can You Ever Forgive Me?

Worst supporting actor si John C. Reilly para sa Holmes & Watson, at worst supporting actress si Kellyanne Conway (as herself) sa Fahrenheit 11/9.

Worst picture ang Holmes & Watson, na kinilala rin bilang worst prequel, remake, rip-off or sequel.

It’s elementary, Sherlock!

Worst director ang nagdirek nito na si Etan Cohen. Ang worst screenplay ay ipinagkaloob sa Fifty Shades Freed.

NOEL FERRER: Sayang at walang Razzies, at mukhang hindi kagat sa kultura natin ang mag-award ng Worst Actor, Worst Actress, Worst Picture, at Worst Director.

Kung kayo ang magiging hurado—sinu-sino ang deserving manalo ng Worst Awards sa atin?

Kasi naman, para sa proper na mga Pinoy, they would rather affirm and help each other, aminin natin... maramdamin din tayo kapag napipitik o nasasaling.

Sa estado ng pelikulang Pilipino ngayon na mas marami ang semplang, paano na kung male-label ka pang worst, di ba?

Ang worst feeling ngayon ay yung film aficionados na hindi alam kung saan panonoorin ang Oscars Awards Night bukas, February 25.

Parang wala raw na-grant ng access na paglalabasan nito sa Asia, totoo ba ito?

JERRY OLEA: Ibo-broadcast ang 91st Oscars sa mahigit 225 bansa at teritoryo.

Ang presenters para sa walong nominadong best picture ay sina José Andrés, Dana Carvey, Queen Latifah, Congressman John Lewis, Diego Luna, Tom Morello, Mike Myers, Trevor Noah, Amandla Stenberg, Barbra Streisand, at Serena Williams.

Kabilang pa sa presenters sina Elsie Fisher, Danai Gurira, Brian Tyree Henry, Michael B. Jordan, Michael Keaton, Helen Mirren, John Mulaney, Tyler Perry, Pharrell Williams, Krysten Ritter, Paul Rudd, Michelle Yeoh, Javier Bardem, Angela Bassett, Chadwick Boseman, Emilia Clarke, Laura Dern, Samuel L. Jackson, Stephan James, Keegan-Michael Key, KiKi Layne, James McAvoy, Melissa McCarthy, Jason Momoa, Sarah Paulson, Awkwafina, Daniel Craig, Chris Evans, Tina Fey, Allison Janney, Brie Larson, Jennifer Lopez, Frances McDormand, Gary Oldman, Amy Poehler, Sam Rockwell, Maya Rudolph, Charlize Theron, Tessa Thompson, at Constance Wu.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results