Maymay Entrata, bagay bang gumanap bilang Catriona Gray sa MMK?

IMAGE Allan Sancon

JERRY OLEA: Nanghihinayang si Ogie Diaz, talent manager ni Liza Soberano, kay Maymay Entrata.

Maymay Entrata & Catriona Gray
 IMAGE Allan Sancon

Sa tanong kung bagay ba si Maymay na gumanap bilang Catriona Gray sa MMK, ang hanash ni Mama Ogs (tawag kay Ogie) sa Facebook nitong Pebrero 26, Martes ng umaga: “Nako, mas alam ‘yan ng MMK. Otherwise, choice talaga ni Cat si Maymay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero suggestion ko lang, sana, i-maximize muna ni Maymay ang kakengkayan niya sa PBB hanggang sa pag-aartista niya.

“Kasi, kahit ako kunwari ang manager niya, yun ang gusto ko. Parang kikay-kikay siya. Kasi, yun ang strength niya, e.

“Look at Melai Cantiveros. Sa loob at sa labas ng bahay ni Kuya, consistent siya.

“Si Maymay, biglang nagmomodel-model. Nawala ang pagkakikay niya. Bumu-beauty queen na ang peg niya.

“Nanghinayang ako sa potential niyang maging young comedienne. Anyway, baka naman happy si Maymay sa takbo ng career niya o sa pagmo-model-model niya, ibigay natin 'yon sa kanya.

“But ako, I miss the Maymay, the housemate and the big winner.”

NOEL FERRER: May sariling moment si Maymay sa ABS-CBN special na Raise Your Flag For Catriona Gray, na ipalalabas sa Marso 10.

Tinuruan si Maymay ng Glam Team ni Catriona, at rumampa siya sa fashion tribute kasabay ang ibang beauty queens ng Binibining Pilipinas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

There can only be one Melai... and Maymay may truly have a different career path.

Mas magandang makilala sila sa kani-kanyang sariling kahusayan na hindi nakahulma.

GORGY RULA: Minahal kasi si Maymay sa kakikayan niya.

Pero nakita rin ang glamorous side niya dahil kaya niyang makipagsabayan sa pagrampa sa models and beauty queens, at gumaganda riyan si Maymay.

Maaaring yun ang kaibahan niya sa mga komedyanteng katipo nina Pokwang at Melai Contiveros.

Kaya kung ako, okay lang na mag-model-model si Maymay, para maiba naman at mabura na yung dating ibinibintang sa kanyang ginagaya niya si Melai.

Saka tanong ko lang... kung gagawin ba talaga ng MMK ang kuwento ng buhay ni Catriona? Kasi, hindi bagay si Maymay sa role na ‘yan.

Baka puwede pa ang co-candidate ni Catriona na si Vickie Rushton.

Pero mas bagay talagang gumanap bilang Catriona ang Kapuso actress na si Max Collins.

Kaya ang Magpakailanman na lang sana ang gumawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close