JERRY OLEA: As of February 28, Thursday, umabot na sa PHP300M ang worldwide gross ng Alone/Together.
Nasa ikatlong linggo na ito ng showing sa local theaters.
Ayon sa sources ng PEP Troika, naka-PHP2.8M pa ito sa mga sinehan ng bansa noong Pebrero 27, Miyerkules.
Kabog ang bagong bukas na Pinoy movies na Familia Blondina (Karla Estrada) at Second Coming (Jodi Sta. Maria at Marvin Agustin), na parehong hindi umabot sa PHP800,000 ang first-day gross.

Patuloy ang pagratsada ng Alone/Together sa abroad.
Showing ito ngayon sa Saipan (Regal Saipan Megaplex 7) at Singapore (GV Plaza, GV Paya Lebar, at GV Yishun).
Sa Marso 6, Ash Wednesday, palabas na sa mga sinehan ng Pilipinas ang Captain Marvel, na pinagbibidahan ni Brie Larson bilang Carol Danvers, aka Captain Marvel.
Siguradong marvelous ito sa takilya!
May bagong Pinoy film ba na makikipagsalpukan dito?
NOEL FERRER: Coming soon ang Kuya Wes (Ogie Alcasid at Ina Raymundo), Pansamantagal (Bayani Agbayani at Gelli de Belen), at Eerie (Bea Alonzo at Charo Santos).
Hindi ko alam kung makikipagsalpukan sila sa mainit na Ash Wednesdate.
Ang nakakabahala pa ay ang patuloy na pagpirma ng mga baguhang direktor sa iWant online streaming ng ABS-CBN.
Are we losing the theater audience (and now, even filmmakers) to digital streaming na talaga?
GORGY RULA: Marami nang nababahala sa patuloy na pagsemplang ng mga pelikulang ipinapalabas.
Kahit Hollywood films ay hindi ganun kalakas kagaya nung mga nakaraang taon.
Ang isa talaga sa mga dahilan ay ang mataas na presyo ng ticket sa mga sinehan.
Kaya kung ganun pa rin ang takbo ng local movies sa takilya, ang prediction ng ilang showbiz analysts, baka two years from now, titigil na sa paggawa ng pelikula ang karamihang producers.
Di ba, matagal nang tumigil ang Seiko Films ni Boss Robbie Tan? Pero kumikita pa rin siya hanggang ngayon sa TV at video rights ng mga nagawa niyang pelikula.
Halimbawa lang, kung sakaling tumigil ang Regal Entertainment? Buhay na buhay pa rin sila sa TV rights dahil sa dami ng mga pelikulang binibili sa kanila.
Ang isa pang trend na sinisimulan na ngayon ng ilang direktor, sa iWant TV na sila nagpi-pitch ng project dahil wala na silang inaalala kung bebenta ba ito sa mga sinehan o hindi.
Ganun na ang nangyayari ngayon at kinatatakutan ng producers na posibleng mangyari sa ating movie industry.