Kylie Padilla, nagulat sa fake news tungkol sa kanila ni Gerald Anderson

by PEP Troika
Aug 23, 2022
Kylie Padilla, Gerald Anderson
Kylie Padilla idiniing wala silang ugnayan ni Gerald Anderson, at hindi totoong nabuntis siya nito. "Sobrang layo sa katotohanan. Nama-mind f*** ako. Parang… ha? Paano nangyari yun?"
PHOTO/S: @kylienicolepadilla / @mavxproductions Instagram

GORGY RULA

Ayaw nang patulan ni Kylie Padilla itong ikinakalat ng ilang bloggers na tsismis na inili-link siya kay Gerald Anderson.

Pagkatapos mag-taping ni Kylie ng Kapuso primetime drama series na Bolera, may ginawa siyang pelikula kung saan naka-partner niya si Gerald, at nag-shoot sila sa Switzerland.

Nang nakatsikahan namin si Kylie sa nakaraang mediacon ng Bolera, na magtatapos na ngayong linggo, pinagtawanan lang niya ang kumalat na intrigang nagdadalantao raw siya, at si Gerald diumano ang nakabuntis sa kanya.

"Sobrang layo sa katotohanan. Nama-mind f*** ako. Parang… 'Ha? Paano nangyari yun?'" bulalas ni Kylie.

Pinag-usapan daw nila ito ng kanyang handler kung papatulan ba nila ang malisyosong tsismis na ito o hindi.

"Nag-usap kami ng handler ko. You know, we talked about it kung kailangan ba namin magsalita o hindi.

"Pero out of this world na kasi yung iba. Parang hindi ko na kailangan magsalita,” saad ni Kylie.

Pagkatapos ng mga pinagdaanan niya, maingat na raw siyang ma-link sa kung kanino man, lalo na sa makaka-partner niya sa isang project.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Oo naman! Ayoko na!" pakli ni Kylie.

Kahit meron mang magparamdam at gusto siyang ligawan, ayaw raw itong i-entertain ng Kapuso actress.

"Focus muna ako sa career ngayon. I think, it’s time naman na mag-focus ako sa career.

"Quota na ako sa ganun," sabi ng bida ng Bolera.

JERRY OLEA

Ayaw rin ba ni Kylie na maging patola sa intrigang nabuntis ng estranged husband niyang si Aljur Abrenica ang Vivamax Queen na si AJ Raval?

At any rate, mas gusto raw ni Kylie na magtrabaho nang magtrabaho na muna sa ngayon.

"Ayokong mabakante, e. Gusto ko magtrabaho nang magtrabaho. Hintay na lang. Patience na lang," ani Kylie.

NOEL FERRER

Pagkatapos ng Bolera, parang mas gusto raw ni Kylie na piliin nang mabuti ang susunod na project na gagawin niya.

Kailangan daw sulit ang matagal na lock-in taping. Kaya dapat gustung-gusto niya ang project kagaya ng Bolera.

"Nag-iba talaga nung nagka-baby na ako. Kasi ayoko nang masanay yung time na nalalayo sa mga anak ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"But, because of Bolera… ibang klase ang pagdidirek ni Direk Dom [Dominic Zapata], e. The way that he works is very different and ano… na-appreciate ko lang.

"Naging bukas lang ang mata ko sa pag-intindi sa craft namin na puwede pala yun na ganung klaseng work na parang pelikula," saad ni Kylie.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kylie Padilla idiniing wala silang ugnayan ni Gerald Anderson, at hindi totoong nabuntis siya nito. "Sobrang layo sa katotohanan. Nama-mind f*** ako. Parang… ha? Paano nangyari yun?"
PHOTO/S: @kylienicolepadilla / @mavxproductions Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results