Watch Now

Tirso Cruz III, itinalaga bilang bagong FDCP chairperson sa kabila ng reappointment ni Liza Diño

by PEP Troika
Jul 5, 2022
tirso cruz III liza dino fdcp
Veteran actor Tirso Cruz III appointed as the new FDCP chairperson by President Ferdinand Marcos Jr. despite reappointment of Liza Diño for the same position by former President Rodrigo Duterte.
PHOTO/S: ABS-CBN / Jerry Olea

NOEL FERRER

Malakas ang ugong kahapon, July 4, 2022, pa lang na mayroong bagong apppointees ang bagong Pangulo na si Ferdinand Marcos Jr. na mamumuno ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) at Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).

Lalo pang lumakas ang usap-usapan nang mag-post si Direk Joey Reyes sa FB kahapon ng mensaheng ito:

“CONGRATULATIONS TO THE NEW CHAIRMAN.

“May the coming years bring a truly meaningful and significant advancement to an industry that needs reassessment, revitalizing and reinventing.

“It is not about anybody. It is about EVERYBODY IN THE BUSINESS.”

joey reyes post

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ngayong Hulyo 5, Martes ng umaga, meron ding post si Senator Jinggoy Ejercito na diumano’y si Tirso Cruz III na ang hahalili kay Liza Diño bilang chairperson ng FDCP.

Bagay na itinanggi pa ni Chair Liza na umaasang makakausap ang bagong presidente dahil meron siyang kasulatan at pahayag sa ka-Troika nating si Gorgy.

Sa isang document about the FDCP Chair, nakasaad sa Section 5. Term of Office: "The Chairperson and the three regular member shall hold office for a term of three (3) years unless sooner removed by the President."

Sabi ng ating source, “So bale, may nakalagay naman palang 'unless sooner removed by the President,' at mukhang yun nga ang naganap.

Bandang 3 p.m. ngayong Martes, nakumpirma ng ating source na natuloy na ang panunumpa ni Lolo Pip (ang tawag natin kay Sir Tirso) sa Malacañang bilang bagong FDCP Chair.

Congratulations po, and all the best!

GORGY RULA

Kahapon pa ay kinukulit ko na si Ms. Liza Diño kung aware na ba siya sa pinag-uusapang mga pagbabago.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tinanong ko na rin siya kung nag-resign na ba siya, dahil sa pagkakaalam namin, kailangang mabakante ang lahat na posisyong itinalaga ng dating administrasyon.

Ipinaliwanag sa akin ni Madam Liza na na-reappoint siya bago pa bumaba sa puwesto ang dating Pangulong Rodrigo Duterte. Pero aware siya na ang masusunod sa ngayon ay ang desisyon ni President Bongbong Marcos.

Read: Liza Diño, reappointed bilang FDCP chairperson; balikan pa kaya ang pag-arte?

Text lang ni Ms. Liza sa PEP Troika: “I haven’t heard of anything. The agency is operating status quo because my reappointment is a term position.

“Till 2025 pa siya officially so waiting lang kami for a courtesy call with our President so we can align with his vision.”

Ifinorward ni Ms. Liza ang sulat mula sa Malacañang, na pirmado ni dating Pangulong Duterte, kaugnay sa kanyang reappointment na naka-date nung Marso 4 ng taong ito.

Nakasaad dito: “Pursuant to the provisions of existing laws, you are hereby appointed CHAIRPERSON, FILM DEVELOPMENT COUNCIL OF THE PHILIPPINES, for a term of three (3) years.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“By virtue hereof, you may qualify and enter upon the performance of the duties of the office, furnishing this Office and the Civil Service Commission with copies of your oath of office.”

liza dino letter of re-appointment

Hanggang sa kaninang tanghali ay hinihintay raw ni Ms. Liza ang tawag sa kanya, at hindi rin daw sinasagot ni Pipo ang kanyang tawag. Naghihintay lang daw siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naka-text din namin si Senator Jinggoy Estrada at kinumpirma niya sa aming ngayong araw ang oath-taking ng bagong FDCP Chairman na si Tirso Cruz III.

Hindi na nasagot ni Senator Jinggoy ang tanong ko kung siya nga ba ang nag-sponsor sa aktor para sa posisyong ito.

JERRY OLEA

Noong Setyembre 2010 pa napabalitang uupo si Tirso Cruz III bilang bagong FDCP Chairman, kapalit ni Jackie Atienza.

Sandamukal na ang nag-congratulate kay Tirso, pero naudlot iyon. Ang naging FDCP Chairperson noon ay si Briccio Santos.

Sa administrasyon ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte (PRRD), ang umupo naman bilang FDCP Chair ay si Liza Diño.

Batid nating co-terminus sa panunungkulan ng Presidente ang mga puwesto sa gobyerno, at kabilang diyan ang FDCP, MTRCB, at Optical Media Board (OMB).

Nabakante ang upuan ng MTRCB Chair noong nakaraang Oktubre nang mag-file si Maria Rachel Arenas ng candidacy bilang kinatawan ng ikatlong distrito ng lalawigan ng Pangasinan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang pumalit sa kanya ay si Atty. Jeremiah P. Jaro.

Nainterbyu natin si Atty. Jaro sa Appreciation Dinner ng MMFF 2021 noong Marso 25 sa Novotel Hotel, Cubao, Quezon City. Tanggap ni Atty. Jaro na ang pagiging MTRCB Chair niya ay hanggang sa katapusan ng termino ni PRRD lamang.

Read: MTRCB Chairperson Atty. Jeremiah Jaro optimistic about return of movies, TV shows to "new normal"

Nakumpirma ng PEP Troika na ang bagong MTRCB Chair ay ang beteranong aktor na si Johnny Revilla.

Na-reappoint si Mark Lapid bilang Chair ng Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA).

Inamin ni Mark Lapid sa PEP Troika na nagkita-kita sila nina Tirso Cruz III at Johnny Revilla sa Malacañang.

ferdinand marcos jr. appointees

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Oath taking of Tirso Cruz III (FDCP Chair), Johnny Revilla (MTRCB Chair), Mark Lapid (TIEZA Chair), and other appointees of President Ferdinand Marcos Jr.

At any rate, natutuwa si Manay Lolit Solis sa pagkatalaga sa 70-anyos na si Tirso bilang bagong FDCP Chair.

“Maganda yung palakad ni Liza Diño pero taga-pelikula rin si Tirso Cruz III, e,” sabi ni Manay Lolit nang makachikahan namin this Tuesday afternoon sa Supersam restaurant, Sct. Tobias St., Quezon City.

“Kahit papaano, may alam din siya sa industriya ng pelikula. Huwag lang mapunta iyon sa isang taong wala namang alam sa pelikula, tapos nagdedesisyon for us.”

Mahigit limang dekada na si Tirso bilang artista sa pelikula at telebisyon. Sikat na sikat noong 1970s ang love team nila ni Nora Aunor, ang Guy & Pip.

Noong Hunyo 10 ay isa si Nora sa walong hinirang bilang Pambansang Alagad ng Sining.

Read: Nora Aunor finally gets elusive National Artist for Film recognition

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nahingan din ng komento si Direk Lino Cayetano sa pag-upo ni Tirso bilang bagong FDCP Chair.

“Kung ano mang tulong ang manggagaling sa gobyerno, siyempre tatanggapin natin sa industriya,” pahayag ni Direk Lino sa mediacon nitong Martes ng hapon sa Supersam restaurant.

“And I think particularly beyond the FDCP, may ipinasang batas ang Kongreso, si Congressman Toff de Venecia, yung chairman ng Creative Industries Committee.

“And I think that’s very exciting. Kasi, noong araw pa man, di ba, may mga industriya na sugar industry, textile industry, agcriculture industry.

“Pero ang tingin naman sa atin sa showbiz, hindi talaga ang tingin sa atin, isang industriya. Meaning merong mga incentives para sa mga empleyado, para sa mga nagnenegosyo.

“Parang… sama ng loob ko nga yun, e. Kapag eleksyon, laging nagpupunta sa artista. Pagkatapos ho ng eleksyon, yung industriya natin, kanya-kanya tayo.

“So, I think this Creative Industry Bill, sana maging isang batas. Ahhm, I think it looks at us more as an industry.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tatlong taong nanungkulan si Lino Cayetano bilang mayor ng Taguig City.

Excited si Direk Lino sa mga pelikula at seryeng ididirek niya o iko-co-produce, para sa big screen man, TV o streaming platforms.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Veteran actor Tirso Cruz III appointed as the new FDCP chairperson by President Ferdinand Marcos Jr. despite reappointment of Liza Diño for the same position by former President Rodrigo Duterte.
PHOTO/S: ABS-CBN / Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results