Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Ivana Alawi says 10-year journey to stardom is “pang-MMK” material

Feb 15, 2020
Ivana Alawi: “May timing talaga siya, e. Hindi siya yung all the time makukuha mo. I mean, pana-panahon iyan, e... Marami kang pagdadaanang rejections bago mo ma-meet ang pangarap mo.”
PHOTO/S: @ivanaalawi on Instagram

Inamin ni Ivana Alawi na minsan na niyang isinuko ang pangarap na maging artista.

Matapos ang sunud-sunod na kabiguan sa mga auditions sa loob ng maraming taon, naisip ng dalaga na magnegosyo na lang at bumalik sa pag-aaral.

Ito ang ikinuwento ni Ivana sa kanyang latest vlog nitong Huwebes, February 13.

Si Ivana, 23, ay isang Filipino-Moroccan TV personality na maituturing na isang YouTube superstar. Umabot na kasi sa mahigit four million ang subscribers ng kanyang channel sa loob lang ng limang buwan.

Continue reading below ↓

Kapatid ni Ivana ang dating child actress na si Mona Louise Rey, na nagbida sa GMA teleserye na Munting Heredera noong 2011.

Ginawa ng aktres ang kanyang latest vlog ilang oras bago ang contract signing niya nitong February 7 bilang pinakabagong Star Magic talent.

Bungad ni Ivana: “Maraming taong dumadaan sa rejection.

Continue reading below ↓

“Gusto ko lang malaman niyo ang istorya ko. Pang-MMK ito.”

Tinutukoy ng aktres ang Maalaala Mo Kaya (MMK), ang 28-anyos na weekly drama anthology ng ABS-CBN.

Tampok sa Maalaala Mo Kaya ang mga tunay na kuwento ng buhay ng ilang ordinaryong mamamayan at maging ng ilang celebrities.

Kasunod ng contract signing, inihayag ng ABS-CBN na si Ivana ang magbibida sa teleseryeng Ligaya.

Ito ang unang lead role na ipo-portray ni Ivana sa TV.

THE SERIES OF REJECTIONS

Ibinunyag pa ng dalaga sa kanyang vlog na dahil sa kagustuhan niyang maging artista, sumalang siya sa napakarami at magkakaibang auditions sa nakalipas na 10 taon.

Sa mga panahong yun na kababalik lang ng kanyang pamilya mula sa paninirahan sa Bahrain, laging kasa-kasama ng sexy actress ang kanyang ina.

“Nag-audition kami sa Star Magic,” lahad ni Ivana sa kanyang vlog.

“Nag-audition ako dun, nag-try ako dun.

“'Tapos, boom, reject. Walang callback.

“Sabi ko, ah, baka sakali next time.”

Continue reading below ↓

Pagkatapos, sinubukan naman ni Ivana na mag-audition bilang commercial model.

“So nag-audition ako sa mga commercials,” anang dalaga.

“Ayun, rejected pa rin.”

Natatawang dugtong niya, “So much rejection in life.”

THE "EXTRA" DAYS

Sa mga panahong ito, naniniwala si Ivana na hindi pa marahil panahon para matupad ang kanyang dream career.

“May timing talaga siya, e,” ani Ivana.

“Hindi siya yung all the time makukuha mo.

“I mean, pana-panahon iyan, e.

“Alam kong maraming sumusubok, maraming nagta-try.

“Maraming beses akong nag-audition kung saan-saan.

“Lahat yun hindi para sa akin.

“Natanggap ko na yun. Sabi ko, ‘Okay, sige, baka hindi ko pa time.’”

Pagkatapos mabigo sa pagiging commercial model, sinabi ni Ivana na pumasok siya bilang extra sa mga teleserye at pelikula.

Pagpapatuloy ng kuwento ni Ivana, “Pumasok ako sa pagiging extra.

“Sa totoo lang, nag-start talaga ako from the bottom, e.

“Galing talaga ako sa baba.”

Gayunman, sinabi ng dalaga na sumama ang kanyang loob nang minsan siyang hindi binayaran ng agent ng kanyang PHP800 per day talent fee.

Continue reading below ↓

“Kasi, syempre, pinaghihirapan ko yun, nagpupuyat ako, 'tapos niloko ako nung nagpapasok sa akin sa mga TV show,” himutok ng aktres.

Kasunod nito, nag-audition naman si Ivana sa tinawag niyang “pangarap na pangarap kong show,” ang ABS-CBN reality program na Pinoy Big Brother.

Bagamat sa unang pagkakataon ay tumanggap siya ng callback, inamin ng aktres na na-reject din siya sa second round ng audition.

Pagsapit ng 2015, sumali si Ivana sa reality artista search ng GMA-7, ang StarStruck—pero “pangalawa ako sa natanggal sa competition.”

THE "HUBADERA"

Dahil sa sunud-sunod na kabiguang ito, na-realize raw ni Ivana na hindi talaga marahil para sa kanya ang pag-aartista.

Naisip niyang magnegosyo na lang at magbukas ng clothing line.

Dahil dito, nag-aral si Ivana ng fashion marketing.

Pero kung tanggap na ng dalaga ang kabiguan ng kanyang pangarap, napag-alaman niyang patuloy pa rin pala ang kanyang ina sa paghahanap ng talent manager para sa kanya.

Continue reading below ↓

Hanggang sa maging interesado si Perry Lansigan, may-ari ng talent management company na PPL Entertainment Inc., na bigyan ulit ng chance sa showbiz si Ivana.

Kabilang sa mga talents ni Perry sina Dingdong Dantes, Ejay Falcon, Jaclyn Jose, Sunshine Dizon, at Gabby Eigenmann.

Malinaw naman kay Ivana ang gusto niyang mangyari sa kanyang career.

Kuwento ng dalaga, prinangka niya si Perry: “Kung mag-aartista ako uli, ayoko ng pa-sweet.

“Gusto ko maging hubadera.”

Taong 2018 nang mapanood si Ivana sa Kapamilya afternoon drama series na Araw Gabi, na sinundan ng stint niya sa FPJ's Ang Probinsyano.

“After ten years of trying, nakita ko na ang sarili ko sa TV na umaarte,” napangiting pagbabalik-tanaw ng sexy actress.

Nang sumunod na taong 2019, ginampanan ni Ivana ang isa sa mahahalagang characters sa ABS-CBN prime-time series na Sino Ang May Sala: Mea Culpa?.

Sa huli, ito raw ang mahalagang realization ni Ivana: “Marami kang pagdadaanang rejections bago mo ma-meet ang pangarap mo.”

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ivana Alawi: “May timing talaga siya, e. Hindi siya yung all the time makukuha mo. I mean, pana-panahon iyan, e... Marami kang pagdadaanang rejections bago mo ma-meet ang pangarap mo.”
PHOTO/S: @ivanaalawi on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results