The 500-peso story behind success of Kevin Santos

by Nikko Tuazon
Sep 3, 2020
Kevin Santos recounts the day he auditioned for StarStruck, and how 500 pesos led to his being a GMA-7 actor, a pilot, and a degree holder.
PHOTO/S: File/ couresty of Kevin Santos

Nagbalik-tanaw ang GMA-7 actor na si Kevin Santos kung paano ito nagsimula sa showbiz sa kanyang Instagram post noong August 24, Monday.

Ibinahagi ng 32-year-old actor ang full-body picture na ipinasa nito sa Kapuso network noong nag-o-audition pa lang siya para sa Starstruck Season 2.

Sa caption ng kanyang post, sinabi ni Kevin na sa litratong ito nagsimula kung paano nito naabot ang kanyang mga pangarap: ang makapagtapos ng pag-aaral at maging piloto.

Verbatim na sulat ni Kevin, "Itong letrato na to eto yung pinakiusap ni erpat sa SM Manila na kunan ako kahit 1 shot lang.. buti nalang kaibigan ni erpat yung nag pipicture, para lang makapag pasa ng picture sa gma (Walang Budget eh).

"Isipin mo yun yung huling 500 pesos ko sa pitaka pamasahe papuntang gma para mag audition sa starstruck."

Dagdag pa nito, "Hindi ko sukat akalain na dahil dun nakaya kong pag tapusin ang sarili ko sa pag aaral pati pag pipiloto ko.

Continue reading below ↓

"After 14 or 15yrs sulit ang sakripisyo. Naisip ko na hindi talaga hadlang ang kakaunting pera sa pitaka para hindi mo maabot ang gusto mo sa buhay.

"Basta sasamahan lang ng mahabang pasensya at sipag at tiyaga."

STARSTRUCK AUDITION

Nitong Miyerkules, September 2, eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kevin tungkol sa kanyang Starstruck journey.

Continue reading below ↓

Sabi ni Kevin, buong kumpiyansa itong sumabak sa audition para sa Starstruck kasama ang kanyang ama na si Obet Santos.

Sa kwento pa nito, wala na raw silang pera ng mga panahon na yun, "Nung time na yun, nag-usap kami ni papa, e si papa walang pera nun.

"Sabi ko, 'Ano, Pa? May 500 ako dito, last money ko na lang pero hindi natin sure kung magkakasya ito kasi maraming nakapila sa GMA, sigurado iyan. So baka hindi tayo makakain...'

"Sabi niya lang sa akin, 'Ganyan talaga, titiisin natin yan.'"

Dagdag pa ni Kevin, "Sumugal kami ng papa ko. Dumating kami ng GMA around two or three a.m. tapos napakarami nang tao.

"Ang laman ng pitaka namin, tapos nag-gasolina pa kami kasi hiniram ng papa ko yung owner [jeep] ng lolo ko nung time na yun.

"Pinanggasolina namin yung 200 pesos and yung 300 pesos yun na lang yung pinagkasya namin para may pangkain at panginom man lang."

Continue reading below ↓

Tiniis ni Kevin ang mahabang oras ng pag-aantay na umabot ng mahigit 20 hours upang makapag-audition sa Starstruck at kahit na abutin ng gutom sa pila.

Aniya, "I have two Skyflakes. Natatandaan ko yun, dalawang Skyflakes sa bulsa ko.

"And isang malaking bottled water na nabili ko lang sa tindahan.

"Nakapasok ako ng GMA around 10:30 to 11:00 p.m."

Continue reading below ↓

Ayon kay Kevin, ang makatulong sa pamilya at maging piloto ang kanyang naging motivation upang mag-audition sa nasabing talent search lalo malaki ang naging impact ng unang season nito.

"During nung time na yun, sobrang putok ng Starstruck, as in. After ng batch one nina Mark Herras, sobrang boom.

"Of course, pagkatapos na pagkatapos ng final judgement, mas dumoble yung mga nag-audition. Mas dumami.

"Kasi yung batch one, iba yung naging impact. So siyempre, sinundan agad ng batch two. Dumami talaga yung nag-audition, as in."

Matapos ang audition, hindi na inasahan ni Kevin na makakapasok siya bilang finalist lalo nakita nitong mahigpit ang kompetisyon.

Laking tuwa na lang nito ng isa siya sa mga tinawagan ng production at napabilang sa top 14 finalist.

Naaalala pa raw ni Kevin, "After ng audition ko sa Starstruck, feeling ko hindi ako makakapasok kasi ang daming mas magagaling sa akin.

"Ang daming mas pogi, ang daming mas magaganda.

Continue reading below ↓

"After three weeks, saka ako tinawagan ng Starstruck."

GRATEFUL FOR GMA

Napanghinaan ng loob si Kevin nang isa ito sa mga maagang natanggal sa nasabing kompetisyon.

Kaya naman, hindi rin inaasahan ni Kevin na sa pag-aartista pa rin ang tatahakin nitong karera kahit na hindi siya nanalo sa Starstruck.

Pahayag niya, "Dun talaga ako nagtataka e, kasi after ng Starstruck... zero knowledge ako sa showbiz.

"Kumbaga, first time ko talaga pumasok sa mga ganun, first time ko sumali sa mga audition na ganun.

"Nag-vi-VTR naman ako sa mga commercials. Nag-VTR naman ako... kung saan-saan kami nagpupunta ng tatay ko nung Starstruck.

"Pero first time to na nakapasok ako as artista talaga."

Patuloy ni Kevin, "Kasi ine-expect ko talaga na siyempre pag nanalo ka diyan sa reality search na yan, dun ka pa lang magiging artista.

"Nung natanggal ako sa Starstruck, akala ko tapos na talaga yung journey ko. Akala ko tapos na talaga yung dream ko as a pilot.

Continue reading below ↓

"Parang ganun yung nanyari sa akin."

Malaki ang pasasalamat ni Kevin sa GMA taun-taon itong nabigyan ng proyekto kahit na hindi siya isa sa mga nanalo sa season two ng Starstruck at dahilan upang maabot nito ang kanyang mga pangarap.

"Hindi ko ine-expect. Thank you sa GMA na after how many years, until now andito pa rin ako nagpapasaya ng tao.

"Ang dami ko nang ka-batch na wala na rin sa showbiz. Ilan na lang din yung natira sa amin. Si Ryza Cenon, Mike Tan, LJ [Reyes], Megan [Young] na lang.

"Ilan na lang kaming natitira sa batch two na active. The rest, may sari-sarili nang path.

"Sobrang pasasalamat ko sa GMA kasi hindi nila ako pinababayaan until now. Hindi ako nawawalan ng project until now."

HOT STORIES

Gusto mo bang lagi kang una sa showbiz news at scoops? Subscribe to our Viber Chatbot here para lagi kang updated, and join our community for more pakulo!

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kevin Santos recounts the day he auditioned for StarStruck, and how 500 pesos led to his being a GMA-7 actor, a pilot, and a degree holder.
PHOTO/S: File/ couresty of Kevin Santos
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results