Sunshine Cruz: road toward rosy life

by Arniel C. Serato
Sep 30, 2020
Sunshine Cruz, 43, on wedding talks with boyfriend Macky Mathay III: "Let’s just cross the bridge when we get there. We’re in a happy place. Sa edad naming ito, hindi naman dapat ginagawang kumplikado."
PHOTO/S: Hans Fausto

Isa si Sunshine Braden Cruz, 43, sa pinakasikat at kontrobersiyal sa mga dating miyembro ng Wednesday Group ng defunct show na That’s Entertainment.

Ipinanganak noong July 18, 1977, si Sunshine ay nadiskubre sa bahay ng kanyang uncle na si Ricky Belmonte ng namayapang Master Showman German “Kuya Germs” Moreno.

Ang mga magulang niya ay ang musikerong ama na si Danny Cruz at inang si Alma Braden-Cruz.

Continue reading below ↓

Meron siyang tatlong kapatid: sina Maricel, Maritess, at Michael.

Ang kanyang mga hobbies sa ngayon ay mag-workout, magluto para sa pamilya at manood ng mga pelikula kasama ang tatlo niyang anak na babae—sina Angelina, Samantha, at Cheska—sa ex-husband na si Cesar Montano.

EDUCATION

Si Sunshine ay nagtapos ng kanyang elementarya at high school sa Saint Paul, Pasig.

Dahil naudlot ang kanyang pag-aaral noong pumasok niya sa showbiz, nitong nakaraang 2017 lamang nakapagtapos ng kolehiyo ang actress-singer.

April 1, 2017, nagmartsa si Sunshine sa Philippine International Convention Center (PICC) kasama ng kanyang mga kaklase mula sa Arellano University.

Nagtapos siya sa kursong AB Psychology.

Continue reading below ↓

SHOWBIZ CAREER

Taong 1992 pumasok sa showbiz si Sunshine.

Siya ay 14 taong gulang lamang nang madiskubre ni Kuya Germs sa isang pagtitipon sa bahay ng kanyang tiyuhin at sikat na aktor na si Ricky.

Ipinasok siya ni Kuya Germs sa That’s Entertainment ng GMA at napabilang sa Wednesday Group.

Bukod sa kanya, ang ilan pang miyembro ng Wednesday Group ay sina Rachel Alejandro, Jojo Alejar, Sheryl Cruz, Chuckie Dreyfus, DJ Durano, Karla Estrada, Precious Hipolito, Piolo Pascual, Romnick Sarment, at G. Tongi.

Isa rin siya sa “Regal Babies of the '90s,” kasama sina Karla, Jackie Forster, at Shirley

Ang unang pelikula ng apat ay ang First Time Like A Virgin kasama ang sikat na komedyante noon na si Rene Requestas.

Continue reading below ↓

LIFE WITH CESAR MONTANO

Naudlot ang pagsikat ni Sunshine sa simula ng kanyang acting career dahil sa pagpakasal niya sa actor-director na si Cesar Montano noong 2004.

Edad 23 anyos lamang siya noon samantalang si Cesar ay 38 years old.


Masasabing fairy-tale wedding ang idinaos noong nag-iisang dibdib sina Sunshine at Cesar dahil makikita sa background ng kasalan ang magandang sunset ng Manila Bay.

Continue reading below ↓

Dinaluhan ito ng mga malalaking pangalan sa showbiz at pulitika.

Sabi pa ni Sunshine sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong 2018, “Hindi niya ako papakasalan kung hindi niya ako minahal—at mahal na mahal ko siya, talagang I fell for him.

"Talagang kinilig ako sa kanya lalo na nung pinapanood niya sa akin yung Jose Rizal.

“Parang, shucks, di ba? Nililigawan ako ng isang ganun.

"He was really charming, napakasimpatiko talaga, e, and saka guwapo naman talaga. 'Tapos, napakagaling na artista.

"And yun nga, naniwala lang ako nung sinabi niya na, 'Sawa na ako sa kalokohan, sa pambababae.'"

Ang Jose Rizal ay ang historical movie na pinagbibidahan ni Cesar mula sa GMA Films na inilabas noong 1998.

Pero honeymoon pa lamang nila ay nagkaroon na sila ng malaking pagtatalo.

Babae lahat ang tatlo nilang anak—sina Angelina, Samantha, at Cheska.

Continue reading below ↓

Umabot sa 13 taon ang kanilang pagsasama.

Early part ng 2013, nakipaghiwalay si Sunshine kay Cesar matapos niyang matuklasan ang kaugnayan niya sa isang starlet na si Krista Miller.

Na-grant ng korte ang annulment ni Sunshine noong September 18, 2018.

HAPPY WITH MACKY

Aminado noon si Sunshine na si Cesar lamang ang first and only boyfriend niya.

Continue reading below ↓

Tatlong taon makalipas ang hiwalayan nila ni Cesar, nakahanap naman ng bagong pag-ibig si Sunshine sa katauhan ng half-brother ni Ara Mina na si Macky Mathay III.

Pumutok ang relasyon nila nang may isang netizen na nag-upload ng larawan nila na magka-holding hands while walking sa The Fort, Bonifacio Global City, Taguig City, noong nakaraang October 9, 2016.

Continue reading below ↓

May dating asawa si Macky at meron silang mga anak.

Sa Instagram nagkakilala ang dalawa.

Pagdetalye ni Macky ukol rito: "Well, actually, it’s as simple as I sent her a direct message on Instagram. Ganun kasimple.

“Totoo yun. I sent her a direct message sa Instagram, saying ‘Hi.’

“And then after, I sent her my ‘Hi’ message, dinugtungan ko kaagad ng second message.

“I told her that ‘I’m the brother of Hazel [Reyes], si Ara.’”

Patuloy niya, “And, you know, yun nga, yun yung sinasabi ko na right timing ‘coz it so happened that she was with Ara.

“Nasa Brunei sila, as in magkasama talaga sila nung natanggap niya yung message.

“So, right there and then, naitanong niya agad kay Ara na, ‘Uy, may kapatid ka bang Macky?’

“Yun. Siyempre wala naman akong… Actually, matagal na rin kaming hindi nag-uusap ni Ara before that.

“But, uhm, of course, sinabi niya na, ‘Yes, may kapatid ako, bakit minessage ka niya?’

Continue reading below ↓

“Parang ganun. ‘Mahiyain yun a,’ parang ginanun niya. Yun yung rason kung bakit kami nagsimulang mag-usap.”

Sa eksklusibong panayam naman ng PEP.ph kay Macky noong October 2016, inamin niyang may relasyon na nga sila ni Sunshine.

Lahad niya, “Alam mo, right from the start naman, sinabi ko sa kanya, hindi nga ako showbiz, hindi nga ako artista, though kapatid ko si Ara.

Continue reading below ↓

“Pero alam mo, darating din yung time na talagang lalabas at lalabas.

“Sabi ko, I guess, just like how we started, right timing for everything naman talaga, e, di ba?

“And I assured her, 'Ever since from the start, na pag lumabas, e, hindi kita idi-deny ‘coz you make me so happy 'tsaka mahal kita.'”

Ngayon, apat na taon ang relasyon ng dalawa.

Continue reading below ↓

Ayon naman kay Sunshne, hindi naman daw sila nagmamadaling magpakasal ni Macky.

Kuwento ng aktres sa panayam ng PEP.ph, “For now, chill-chill lang, di ba? Let’s just cross the bridge when we get there.

“We’re in a happy place. Sa edad naming ito, hindi naman dapat ginagawang kumplikado.

“I’m busy with my kids and my work. He understands and supports me and my children in a way.

"So I’m thankful that someone like him is there for me."

Continue reading below ↓

MOVIES

Ang ilan sa movies ni Sunshine ay ang Virgin People 2, Ekis: Walang Tatakas, Ang Kabit ni Mrs. Montero, at ang kontroversiyal na pelikulang Dukot Queen noong 2002 na hindi natapos.

Narito ang listahan ng mga nagawang mga pelikula ni Sunshine:

1992

  • First Time... Like a Virgin
  • Guwapings: The First Adventure
  • Shake Rattle & Roll IV

1993

  • Humanda ka Mayor!: Bahala na ang Diyos
  • Dino... Abangan Ang Susunod Na...
  • Ano Ba 'Yan 2
  • Aguinaldo
  • Galvez: Hanggang sa Dulo ng Mundo Hahanapin Kita
  • Pandoy: Alalay ng Panday
  • Teenage Mama

1994

  • Junior Police
  • Baby Paterno: Dugong Pulis

1995

  • The Marita Gonzaga Rape-Slay: In God We Trust!
  • Oha! Ako Pa!
  • Kahit Harangan ng Bala
  • Costales
  • Wilson Sorronda: Leader Kuratong Baleleng's Solid Group

1996

  • Virgin People 2
  • Sa Bingit ng Kamatayan
  • Medrano
  • Ang Titser Kong Pogi
  • Adan Lazaro

1997

  • Paano Kung Wala Ka Na?
  • Lihim ni Madonna
  • Enteng en Mokong: Kaming Mga Mababaw ang Kaligayahan
  • Babangon Ang Huling Patak ng Dugo
  • Ang Pinakamahabang Baba sa Balat ng Lupa
Continue reading below ↓

1998

  • Magagandang Hayop
  • Ama Namin
  • Init ng Laman

1999

  • Ang Kabit ni Mrs. Montero
  • Ibibigay Ko ang Lahat
  • Bullet
  • Ekis: Walang Tatakas

2000-2019

  • Pag Oras Mo, Oras Mo Na (2000)
  • Alas-Dose (2001)
  • Sunshine (2002)
  • Inang Yaya (2006)
  • Ligalig (2006)
  • Biktima (2012)
  • Just The Way You Are (2015)
  • Mang Kepweng Returns (2017)
  • Mystified (iflix)
  • The Heiress (2019)

TV SHOWS

Maraming nagawang mga TV shows at teleseryes si Sunshine, pero mas nagniningning ang kanyang career sa hit TV series na Wildflower ng ABS-CBN.

Umere ito mula February 13, 2017 hanggang February 9, 2018.

Continue reading below ↓

Narito ang ilan pa sa mga naging palabas sa telebisyon ni Sunshine:

  • Valiente (1992, ABS-CBN)
  • That’s Entertainment (1992-1996, GMA)
  • Bubble Gang (1995-1999, GMA)
  • L (1999, GMA)
  • Kapalaran (2002, ABS-CBN)
  • Marina (2004, ABS-CBN)
  • Asian Treasures (2007, GMA)
  • Lastikman (2007, ABS-CBN)
  • Palos (2008, ABS-CBN)
  • Be Careful With My Heart (2013, ABS-CBN)
  • Dugong Buhay (2013, ABS-CBN)
  • Galema, Anak ni Zuma (2013, ABS-CBN)
  • Toda Max (2013, ABS-CBN)
  • Pure Love (2014, ABS-CBN)
  • Oh My G! (2015, ABS-CBN)
  • Dolce Amore (2016)
  • Wildflower (2017, ABS-CBN)
  • Kapag Nahati ang Puso (2018, GMA)
  • Hiwaga ng Kambat (2019, ABS-CBN)
  • Love Thy Woman (2020, ABS-CBN)

AWARDS/DREAM ROLES

Sa larangan ng showbiz, nakatanggap naman ng award si Sunshine na Best Single Performance by an Actress para sa para sa kanyang Maalala Mo Kaya guesting noong 2013/2014.

Ilan sa mga dream roles niya ay ang pagiging mistress, na nagawa na raw niya sa Love Thy Woman; chain smoker at pagiging painter, na nagampanan na rin niya sa Cinemalaya movie na Malamaya.

Continue reading below ↓

Gusto rin daw niya gumanap na maldita at kaiinitan ng ulo ng mga viewers ang kanyang character.

Natupad na rin daw niya ang isa pa niyang dream: ang makatambal si Christopher de Leon sa katatapos lamang na Love Thy Woman.

At sa panahon ngayon ng pandemiya, naging hobby na ni Sunshine ang magluto para sa pamilya at manood ng mga pelikula kasama ang tatlo niyang anak na babae habang regular pa rin ang kanyang workout.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sunshine Cruz, 43, on wedding talks with boyfriend Macky Mathay III: "Let’s just cross the bridge when we get there. We’re in a happy place. Sa edad naming ito, hindi naman dapat ginagawang kumplikado."
PHOTO/S: Hans Fausto
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results