Ultimate star!
Iyan ang bansag ng mga tagahanga ng award-winning actress na si Aiko Shimoji Melendez simula nang lumabong ang kanyang acting career.
Nagsimula si Aiko sa showbiz bilang child star at the age of eight.
Pero bago pa nito, pa-extra-extra na noon si Aiko sa ilang TV shows at pelikula.
Siya ay nadiskubre ng mga beterano sa showbiz na sina Ronald Constantino at Douglas Quijano.
Ang mga idolo niya mula noon pa mang bata pa siya ay ang Star for All Seasons na si Vilma Santos at ang Diamond Star na si Maricel Soriano.
Ipinanganak si Aiko, 44, noong December 16, 1975.
Ang kanyang mga magulang ay sina Elsie Rebeca Shimoji at ang namayapang aktor na si Jimi Melendez.
Meron naman siyang apat na kapatid: sina Angelo Castañeda, Jam Melendez, Michiko Castañeda, at Bibit Erika Akiko Castañeda-Jacinto.
EDUCATION
Kahit abala sa kanyang showbiz career, siniguro ni Aiko na makapagtapos siya ng kanyang pag-aaral mula elementarya hanggang college.
Nagtapos ng elementarya si Aiko sa St Mary’s College.
Sa Our Lady of Grace Montesorri naman siya nagtapos ng high school.
BS Psychology naman ang degree niya mula sa St. Joseph’s College.
SHOWBIZ CAREER
Ang unang sabak niya sa full-length film bilang child actress ay sa pamamagitan ng Regal Films movie na Santa Claus is Coming to Town taong 1982.
Late 1980s nang ipakilala siya bilang Regal Babies kasama sina Ruffa Gutierrez at Carmina Villarroel.
Ang unang pelikula ni Aiko kasama sina Ruffa at Carmina bilang Regal Babies ay ang coming of age movie na Underage, Too noong 1991.
Mula ‘90s, naging blockbuster leading lady si Aiko sa mga sikat na leading men na sina Aga Muhlach (May Minamahal, 1993), Richard Gomez (Maalaala Mo Kaya: The Movie, 1994), at ang dating asawang si Jomari (Mula Noon Hanggang Ngayon, 1996).
Nakakuha ng siyam na awards sa 1993 Metro Manila Film Festival ang pelikula niyang May Minamahal.
Nanalo namang Best Actress si Aiko sa kontrobersiyal na 1994 Metro Manila Film Festival para sa Maalaala Mo Kaya: The Movie.
These past few years, naging household name ang pangalan ni Aiko nang gampanan niya ang karakter ni Emilia Cardiente sa teleseryeng Wildflower ng ABS-CBN noong 2017.
Nagwaging Best Drama Supporting Actress si Aiko sa 31st PMPC Star Awards for TV para sa Wildflower.
Nanalo rin siya at si Maja Salvador ng Best Actress in a Drama Series award sa Gawad Tanglaw Awards for TV dahil din sa kanilang pagganap sa nasabing serye.
SHOWBIZ ROMANCES
May dalawang anak si Aiko sa ex-husbands niyang sina Jomari Yllana at Martin Jickain.
Ito ay sina Andre Rafael M. Yllana at Marthena M. Jickain.
Nagkamabutihan sina Aiko at Jomari habang ginagawa nila ang pelikulang Kahit Kailan noong 1996.
Nagkaroon ng civil wedding ang dalawa sa Bulacan noong December 16, 1998.
Dalawang taon ang nakalipas, nagpakasal naman sila sa simbahan, sa Archbishop's Palace, sa Mandaluyong noong July 23, 2000.
Ang anak nilang si Andre ay 21 years old na ngayon.
Taong 2001 nang maghiwalay ang dalawa. Ang aktres na si Ara Mina ang itinurong third party sa kanilang hiwalayan, na naging malaking balita noon.
Taong 2003 nang ma-annul ang kanilang kasal.
Noong February 16, 2006, nagpakasal muli si Aiko sa 22-year-old actor-model na si Martin Jickain.
Meron silang isang anak na babae, si Marthena, 13.
Taong 2010 naman nang i-grant ng korte ang annulment case na isinampa ni Aiko laban sa dati niyang asawa.
Sabi ni Aiko sa panayam niya noon sa The Buzz, “Honestly, hindi kami nabigyan ng pagkakataon na maging magkaibigan.
"Pero civil kami in the sense na kapag may kailangan siya kay Marthena, hindi pa niya madiretso sa akin.
"Kasi nga, traumatic ang nangyari sa amin ni Martin. May demandahan pong nangyari.
"Aside sa annulment, may restraining order, so hindi pa namin kayang maging magkaibigan."
Taong 2008 nang makarelasyon ni Aiko si Bulacan, Bulacan Mayor Patrick Meneses.
Makalipas ang tatlong taon, nauwi ang relasyon nila sa hiwalayan noong February 14, 2011, and, eventually, demandahan.
Interestingly, si Ara ang naging next girlfriend ni Patrick, na naging ama rin ng unica hija ni Ara. Tumagal ang relasyon ng dalawa mula 2012 hanggang 2015.
Nagkaayos naman sina Aiko at Ara noong September 2017 nang aksidenteng nagkita sa isang lamay.
Kuwento ni Aiko sa PEP.ph, "Siguro what I can share lang is, sa hinaba-haba ng panahon, okay yung timing, kasi okay na kami.
“Siguro, in God’s perfect time lang talaga yung nangyari.
“Ang ganda ng timing ko, sa patay po kami nagkita, pero may nabuhay na ano [pagkakaibigan]."
Magtatatlong taon na ngayong buwan ng Oktubre ang relasyon naman ni Aiko kay Zambales Vice Governor Jay Khonghun.
Sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) unang inamin ni Aiko ang relasyon nila noong March 31, 2018.
“Gusto namin pareho sana private yung relationship kasi nga public na kaming pareho.
“Kaso nga, people are seeing us na constantly, so we both decided na okay to share it sa tao but still would not want discuss further about us in public.
“We want to keep it low for a change.”
POLITICAL CAREER
Pinasok ni Aiko ang pulitika noong taoong 2001.
Tumakbo siyang konsehal sa second district ng Quezon City.
Tatlong termino siyang nagsilbi mula 2001 hanggang 2010.
Sinubukan ni Aiko na tumakbo bilang vice mayor ng siyudad noong taong 2010, pero hindi siya pinalad na manalo.
Natalo siya ng kandidato ng Liberal party na si Joy Belmonte, ang kasalukuyang alkalde ng Quezon City.
Tumakbo naman si Aiko sa ilalim ng Partido ng Masang Pilipino, kung saan ang kanyang running mate para mayor ay si Congressman Mike Defensor, na natalo rin ni former Mayor Herbert Bautista.
TV SHOWS
Naging co-host si Aiko sa Eat Bulaga! mula 1989 hanggang 1995.
Isa din siya sa mga naging cast member ng Bubble Gang noong 1995 hanggang 1998.
Narito pa ang ilan pang mga TV shows na kinabibilangan ni Aiko.
1981
- Anna Liza
1989
- Lovingly Yours, Helen
1989-1995
- Eat Bulaga!
1995-1998
- Bubble Gang
- ‘Sang Linggo nAPO Sila
2002
- Klasmeyts
2004
- Yes, Yes Show!
2006
- Noel
2008
- Your Song
- Maalaala Mo Kaya
2009
- Talentadong Pinoy
2010
- Sine Novela: Basahang Ginto
2011-2012
- Maalaala Mo Kaya
- Reputasyon
- Nandito Ako
2013
- Apoy Sa Dagat
2014
- Maalaala Mo Kaya
- Ipaglaban Mo
- The Ryza Mae Show
- Give Love of Christmas
2015-2016
- Maalaala Mo Kaya
- Inday Bote
- The Story of Us
- Celebrity Playtime
2017-2018
- Wildflower
- Bagani
2019
- StarStruck
- Prima Donnas
- Dear Uge
MOVIES
Ang pelikulang May Minamahal ang isa sa hindi malilimutang project ni Aiko.
Nakatambal niya rito si Aga, na naging boyfriend rin niya noon.
Kinilig naman siya sa pelikulang Guwapings: The First Adventure kasama ang dating asawang si Jomari, Eric Fructuoso, at Mark Anthony Fernandez.
Narito ang iba pang pelikulang nakasama si Aiko:
1982
- Where Love Has Gone
1983
- Don’t Cry For Me, Papa
- Santa Claus is Coming to Town
1989
- Isang Araw Walang Diyos
- Romeo Loves Juliet… But their Families Hate Each Other
- My Pretty Baby
1990
- Last 2 Minutes
- Trese
- Isang Araw Walang Diyos
- Tora Tora, Bang Bang Bang
- Nimfa
1991
- Underage, Too
- Gabo: Walang Patawad Kung Pumatay
- Kung Sino Pa Ang Minahal
- Emma Salazar Case
- Ali in Wonderland
1992
- Cornelia Ramos Story
- Guwapings: The First Adventure
- Si Lucio at si Miguel: Hihintayin Kayo sa Langit
- Unang Tibok ng Puso
- Buddy en Sol (Sine ito)
- Shake Rattle and Roll IV
- Kamay ni Kain
- Sinungaling Mong Puso
- Sonny Boy, Public Enemy Number 1 of Cebu City
1993
- Aguinaldo
- Dino… Abangan ang Susunod Na…
- Dugo ng Panday
- May Minamahal
1994
- Buhay ng Buhay ko
- Multo in the City
- Maalaala Mo Kaya: The Movie
- Ang Ika-labing Isang Utos: Mahalin Mo, Asawa Mo
- Bawal na Gamot
1995
- Bawal na Gamot 2
- Sa’yo Lamang
- Araw-Araw, Gabi-gabi
- Batang PX
1996
- Mula Noon Hanggang Ngayon
- Huling Sagupaan
- Ayoko na Sanang Magmahal
1997
- Atraso: Ang Taong May Kasalanan
- Kung Marunong Kang Magdasal, Umpisahan Mo Na
- Kahit Kailan
1998
- Ikaw Pa Rin Ang Iibigin
- Pagdating ng Panahon
1999
- Higit Pa Sa Buhay Ko
2000
- Mahal Kita, Walang Iwanan
2003
- Filipinas
2009
- Yaya & Angelina: The Spoiled Brat Movie
2014
- Asintado
2015
- Etiquette for Mistresses
- Everday I Love You
2016
- Barcelona: A Love Untold
2018
- Rainbow’s Sunset
AIKO RETURNS TO GMA
May 2019 nang bumalik si Aiko sa GMA-7 matapos ang halos siyam na taong pagtatrabaho sa ABS-CBN.
Sabi niya sa kanyang post sa Instagram noong May 23, 2017 (published as is): "Nagpapasalamat po ako sa chan 2 sa 9 years na oppurtunity na binigay nyo sa akin na makapag work dahil dito ako nag grow bilang isang actress at hindi ko mararating kung ano ako ngayon kundi dahil sa kanila.
"Nagpapasalamat po ako sa mga Boss ko po sa ABS CBN dahil maayos naman po ang aming relasyon at nakapagpaalam ako ng maayos."
Tuluy-tuloy pa rin ang unang serye ni Aiko sa Kapuso network na Prima Donnas.
Pansamantalang natigil ang pagpapalabas nito dahil sa COVID-19 pandemic, pero nag-resume na ang lock-in taping para sa series.
Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika